CHAPTER XVI

2K 69 2
                                    


The next day

Sinigurado ko talagang maaga akong nagising kesa kay Justine. Pinagluto ko lang siya ng breakfast at umalis ng condo niya, naka ka stress siyang kasabay eh. Di bale ng gumastos ng pamasahe huwag lang masira ang araw ko.

Nang makarating ako sa room para sa first subject namin ay nadatnan ko 'yong tatlong busing busy sa kanya kanyang ka echosan. Si Jhoane selfie lang habang si Jhoanna eh nagbabasa ng libro pero itong si Chary pagmamake-up yung inaatupag.

"Oh ang aga mo ngayon Zowie ah, LQ kayo ni Justine?" Tanong ni Jhoane ng makita ako, sabay namang napatingin 'yong dalawa.

"Haha baka tinotoo na nila yung boyfriend-girlfriend thingy" Si Jhoanna.

"Uy Hindi ah *pout hindi ko lang alam na sikat pala 'yong mokong na 'yon dito, ang aga ko kayang napagchismisan kahapon" Sabi ko at naupo sa tabi nilang tatlo.

"Kaya pala daig mo pa ang may dalaw kahapon" Sagot ni Chary habang nililigpit 'yong make-up niya.

"Naku friend mukhang hindi lang chismis ang makukuha mo, rememember gusto ka niyang mag pretend bilang girlfriend niya?" Jhoane said while tapping my shoulder.


"Yon na nga, hindi naman pweding iwasan ko siya araw-araw" Kung bakit pa kasi ako pumasok sa ganitong sitwasyon -_____-


Sasagot pa sana si Jhoane nang biglang nagsidatingan 'yong ibang kaklase ko at kasunod nila 'yong matandang prof. namin.


"Good Morning class" Bati nung prof namin pero dalawa o tatlong estudyante lang ata 'yong sumagot.


Ang saklap lang kasi super boring ng teacher na to at hindi ko pa katabi 'yong tatlo, sino pa kasi nagpauso ng alphabetical order =____=

"Finance is the blah blah blah jdj3%#\"cndipwjxns" Paglilitanya ng prof namin, wala naman atang nakikinig sa kanya.

Nakatingin lang ako sa notebook ko at nagdadrawing ng kung anu-ano ng biglang maramdaman kong nag vibrate 'yong cellphone ko kaya pasimple ko itong kinuha sa bag.


*1 message received from Justine*

Let's talk later.


Maikli lang ang text niya pero yon 'yong tipong madami nang pumapasok sa isip ko. Enek neng! Ano naman kaya ang pag-uusapan namin!

May narinig naman ako bigla na parang naghihilik.





"Zzzzzzzzzzzzzzz"

Tiningnan ko yung katabi ko, Langya! Tulog? O.O Ba't paumasok to kung matutulog lang din.


"Psssssst" Bahagya kung nilapit 'yong upuan ko sa kanya at sinundot 'yong likod niya.

*poke *poke *poke


"Shit! What's your problem ? Can't you see I'm fuckin' sleeping!"


O.O Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Halos lahat ng kaklase ko nakatingin sa'min at ngayon ko lang siya na titigan ng husto and emeged ang gwapo! Sayang lang kasi ang sungit.


"Anong kaguluhan yan Ms. Arsena at Mr. Ocampo? Nakakadisturbo na kayo sa klase!" Galit na tanong nang prof namin.


"S-sorry sir" Nakayukong sagot ko. Tsk kahiya talaga!


Tiningnan ko ulit yung si Mr. Ocampo daw! Nakayuko na naman sa desk niya.... promise hinding- hindi na talaga 'ko mangingialam!


After a few minutes ay nag bell na rin. Sa wakas! Mabilis kong niligpit 'yong gamit ko, nakita ko silang tatlo na nakatayo sa pinto at hinihintay ako.


"Hala Zowie bakit mo ginawa 'yong kanina" Bungad agad ni Jhoanna.

"Concern lang naman ako noh. Hindi ko naman alam na ganoon kasungit yon" Sagot ko naman.




"Sayang ang gwapo pa naman, diba Zowie? diba?" Kinikilig na tanong ni Chary. Hahah basta gwapo talaga kita agad ni Chary.


"Oo, hmmp tara na nga kain na muna tayo"


"Huwag mong sabihing type mo 'yon Zowie? Naku my Justine ka na, ibalato muna lang si Mr. Ocampo sa'kin" Parang batang reklamo ni Chary, natawa na lang din si Jhoane at Jhoanna sa reaksyon niya.

"Oo na iyong iyo na siya, di ko aagawin 'yon!" Bigla naman niya kong niyakap, baliw talaga!

Naglalakad kaming apat papuntang canteen ng makita kong wala na yung ID ko!

"Wait girls nawawala 'yong ID ko, balikan ko lang huh baka kasi naiwan!"


"Samahan ka na namin" Sabi ni Jhoane.

"No okay lang, susunod na lang ako" Nakangiting sagot ko

"You sure?" Tanong ulit ni Jhoane kaya tumango ako bilang sagot.


Lakad takbo 'yong ginawa para mabilis akong makarating sa classroom namin kanina. Bigla akong napatigil sa paghakbang ng may marinig akong umiiyak sa loob ng isang bakanteng room.

Bahagya akong sumilip sa nakaawang na pinto at nakita ko ang isang magandang babae na umiiyak sa harap ng lalaki. Nakatalikod 'yong lalaki pero parang pamilyar. Parang si...si Justine?

"You still love me right? answer me Justine!" So tama nga ang hinala ko.


"What kind of a question is that Emanuelle? You're the one who ruin this relationship! You're the who cheat on me!" Galit na sigaw ni Justine kaya mas lalong humagulgol 'yong babae.


"That's not true ! Please believe me Justine!" Malapit ng lumuhod 'yong si Emanuelle pero di pinapansin ni Justine.


Pareho silang natahimik at naghihintay kung sino ang magsasalita.



"Alam mong hindi kita kayang lokohin Justine but please answer me honestly, do you still love me?" Tanong ng babae habang nakatitig ng sobra kay Justine. Matagal bago siya nakasagot.



"YES.............." Biglang sumikip yung dibdib ko sa sinagot ni Justine. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil biglang uminit ang mata ko dahil sa luhang malapit ng tumulo.








My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon