CHAPTER XII

2.2K 105 8
                                    




Nagising ako dahil sa sikat na araw na nagmumula sa bintana. Mabilis akong bumangon ng maalala kong sa sala pala ako nakatulog kagabi. Pero Nang makita ko kung nasaan ako parang gusto ko na lang pumikit ulit at isiping panaginip lang ito.

Hindi ko alam kong paano ako makarating sa kwarto ni Justine at kung bakit katabi ko siya, hindi ko naman naalalang pumasok ako dito kagabi, posibleng siya ang naglipat sa akin pero bakit sa kwarto niya eh may kwarto naman ako.


Bago pa siya magising ay dahan-dahan akong bumaba ng higaan, mabuti na lang at nakakumot ang buo niyang katawan at nakatalikod siya sakin.



Pagkalabas ko ng kwarto niya ay mabilis akong naligo at pumunta ng kusina para magluto ng agahan. Natapos akong magluto at halos lumamig na rin ang niluto ko pero walang Justine na lumabas sa kwarto niya.



Hindi kaya galit siya? Bago pa ko mabaliw kakaisip ng dahilan ay napagdesisyonan kung puntahan siya sa kanyang kwarto.

Ganon pa rin ang posisyon niya ng pumasok ako. Parang may mali sa kanya ngayon kaya nilapitan ko siya at daha-dahang inalis ang kumot na nakatakip sa mukha niya.

"Hala Justine you're so hot !" Alam kung matagal na siyang hot but this time it's different kasi may lagnat siya.


"Ahmmmmm" Ungol lang ang tanging nasagot niya, halatang hindi na niya kaya ang katawan niya pero bakit ang hot pa rin pakinggan ng boses niya. Waaahhh! patawarin niyo ko :/



Mabuti na lang at may konting alam ako kung paano mag alaga ng may sakit kung hindi kawawa itong si Justine. Susundin ko na lng ang ginagawa sa akin ni nanay tuwing may lagnat ako.

"Justine sandali lang hah kukuha lang ako ng pampunas sayo" Pagpapaalam ko at bahagya naman siyang tumango.



Agad naman ako bumalik na may dalang maligamgam na tubig at towel.


"Justine h-hubarin mo muna yung damit mo" Sh*t kinakabahan ako na ewan -_- Pero ang mokong hindi ako pinansin.



"Bingi ka ba Justine, hubarin mo muna iyang damit mo! pano kita mapupunasan kung suot mo yan!"


"I-i can't" Sabi niya na parang pagod na pagod, wala na ong choice kundi ako na mismo ang gagawa.


Bahagya siyang umupo para madaling maalis 'yong damit niya.


"Isa Justine wag mo kung titigan!" Langya tumitig pa sa'kin, nahiya tuloy ako. Kahit nanginginig ang kamay ko ay kinaya ko pa rin para madali kaming matapos.


Habang pinupunasan ko siya ay naramdaman kung tinitingnan niya ko kaya tinitigan ko rin siya ng masama.



"What?" Tanong niya kung bakit mukha akong galit.



"What what ka dyan! Sabing wag kang tumingin sa'kin kundi iiwan kita dito" Kainis di niya ba nakiitang nagkukulay kamatis na ko sa ginagawa ko. Kayo ba naman ang magpunas sa ganitong katawan, gatas na lang kulang meron ka nang agahan, dami pandesal ehh .


Matapos ko siyang palitan ng damit ay pinagluto ko na rin siya ng noodles para naman magkalaman ang tiyan niya at makainom na rin siya ng gamot.



Pati sa pagkain ay sinubuan ko siya, hindi ko alam pero parang masaya ako sa ginagawa ko.



Tuwing tumitingin ako sa mga mata niya ay parang may gusto siya sabihin. Ang gulo !

"Oh Justine inumin mo na 'yong gamot mo" Kinuha naman niya agad ang gamot at ininom.


Palabas na 'ko ng kwarto niya nang magsalita siya.


"Where are you going" Biglang tanong niya.



"Huhugasan ko lang ang mga to, babalik din ako ako agad para echeck kung bumaba na yang lagnat mo"



"Mamaya na yan Zowie, I need you here" Halata sa boses niya na ayaw niyang iwanan kaya ako naman itong si dakilang sunudsunuran ay pumayag agad.



"Oo na, pasalamat ka mahal kita" Pinatong ko na muna ang mga pinagkainan niya sa mesa at lumapit sa kanya para tingnan kong mainit pa rin sya.


"What did you say?" Nagtaka naman ako sa tinanong niya.



"Hah? May sinabi ba ko?" Hindi ko alam kung bakit naging interesado siya sa sinabi ko.



"Sabi mo pa salamat ako dahil?" Akala ko mahina ang katawan niya eh bakit ngayon nakaupo na siya at ang lakas pa ng hawak sa balikat ko. Pinipilit niya kong sabihin ulit yong sinabi ko, eh ang Sabi ko lang naman pa salamat siya dahil- Teng ene! nasabi ko yun?!.



"Damn it! Zowie say it again!" Nakatitig lang ako sa kanya na para bang sinasabi na hindi ko kayang ulitin.



"Sabi mo mahal mo ko, right?please answer me!"


Tango na lamang ang naisagot ko dahil wala na akong lakas ng loob para sabihin ang salitang mahal kita. Alam Kong pagtatawanan niya ko sa sagot ko pero handa na ko sa kung anong mangyayari.


Hinintay kung tumawa siya pero wala, naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko then he suddenly pull me closer to him and hug me.


Hindi ko ineexpect ang ginawa niya pero ma's hindi ko inasahan ang sinabi niya.



"Nagpapasalamat talaga 'ko na mahal mo 'ko sana magpasalamat ka din na gusto kita"




A/N: Hi :D kindly comment and vote po kayo thank you :*

Enjoy reading! (:



My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon