CHAPTER VII

2.3K 92 1
                                    

    

           "Anong ginanagawa niyo dito?" Tanong ko sa tatlong bruhang nasa harap ko. Di pa din talaga ako makapaniwalang nandito sila.

      

      "Linya dapat namin yan Zowie. Anong ginagawa mo dito? Halos ma lowbatt na tong cellphone ko kakadial ng no. mo ! Isasama ka sana namin dito, pero di na pala kailangan, nauna ka pa eh" Mahabang litanya ni Jhoane. Naiwan ko pala 'yong cellphoe ko kanina dahil sa sobrang pagmamadali.

     

      "Ah eh nakalimutan ko kasi 'yong cellphone ko at sinamahan ko lang 'yong kaibigan ko"

      "Weeh? may kaibigan ka pa bukod sa'min!? Naku Zowie mga palusot mo!" Sabi naman ni Jhoanna. Huhu ang hirap naman mag explain!

       "Hey Babe, bakit ang tagal mo? You don't know how worried I am, kaya sinundan nakita dito and who are they?" L*ntik naman na Justine to dumagdag pa.

      "OH EM GEE What's the meaning of this Zowie? Don't tell me MY GHAD dibah sabi ko naman sayo na kapag kailangan mo ng pera, nandito lang  ako, kami kahit mana ko ipapahiram ko sa'yo huwag ka lang pumasok sa maruming trabaho!" sabi naman ni Chary with matching iyak iyak pa.

   "Wag kang OA Chary at anong mana ang pinagsasabi mo, ano ang ipamamana sayo nina tito at tita aber?" Paano ako makakapag explain ng side ko eh silang tatlo 'yong nagbabangayan.

  "Wait lng Chary, Jhoane, Jhoanna si Justine pala B-Boyfriend ko -_- ..Justine sila pala 'yong mga kaibigan ko" Pagpapakila ko sa kanila.

     "ANO? MAY PUMATOL SA'YO AT GANYAN PA KAGWAPO?" Aray ang sa'kin nun ah, walang duda tunay silang mga kaibigan.

      "Mauuna na ko sa table natin, I just check if you're alright, mukhang marami kayong pag-uusapan ng mga kaibigan mo BABE" Sabi ni Justine bago umalis. Leshe! wala sana kaming pag-uusapan kung hindi dahil sayong unggoy ka.

       "Oh by the way girls you can join us in our table if you want" Pahabol pa niya, ano na naman kaya ang binabalak nito.


    Pagkaalis ni Justine at kinwento ko sa kanila  kung paano nagsimula lahat. Simula nung kinauasap ako ni mommy, yung pagtransfer ko ng school, ang pagiging katulong, 'yong ano 'yong kiss -_-  'yong pagpanggap ko bilang girlfriend ni Justine. Grabe kontra sila sa lahat sa pag transfer lang ng school hindi, marami raw gwapo dun. Naku anlalande!

      Mukhang natahimik naman 'yong mga kaluluwa nila nung naintindihan na nila 'yong sitwasyon ko. Basta daw pag may kailangan ako huwag akong mahihiyang magsabi sa kanila. Alam ko namng kahit ganyan ang tatlong yan mahal nila ko at syempre mahal ko din sila noh. Sila yung kasama ko sa hirap at ginhawa at kasamang umiyak at tumawa.

      Matapos naming mag usap ay bumalik na ko sa table namin sinama ko na lang 'yong tatlo, kawawa naman Hihi.

    "Zowie nman eh bakit di mo sinabing may kasama kayong papable dito eh sana nakapag retouch man lang ako" Pagmamaktol ni Chary ng makalapit na kami sa pwesto nina Justine.

     "Oo nga, ang damot neto, gusto niya siya lang 'yong may gwapong boyfriend" Reklamo pa ni Jhoanna.

   "Oh ikaw Jhoane may sasabihin ka rin?" Tanong ko sa kanya natahimik lang sa likod ko.

   "Wala, maganda na ko kahit walang make-up at hindi ko na kailangan magpaganda dahil hindi sila mga gwapo" Totoo namang maganda sya kahit walang make-up, actually apat kaming maganda ^____^ pero yung sinabi niyang hindi gwapo 'yong kasama ni Justine, yun ang hindi  totoo.

Naiintindihan naman namin kung bakit ganyan si Jhoane naging manhater siya simula nung pinagpalit sya boyfriend niya.

  Nang nasa table na kami ay agad kung kinausap si Justine hinayaan ko nlg yung tatlong magpakilala ng mga sarili nila sa mga kaibigan ni Justine.

    

  "Ano Justine masaya ka na? dinamay mo pa ko sa mga problema mo. Bakit kapag ako ba may problema dinadamay kita dibah hindi. Ang alam ko kasi kinuha ako ng mommy mo bilang yaya, kailan pa naging gawain ng yaya na magpanggap bilang girlfriend ng amo nila ha? Naku Justine kung lalaki lng ako sinuntok na kita! Ugh!" Pabulong kung sabi kay Justine pero hindi matatago ang pagkainis at pagkagigil ko sa knya habang sinabi ko ang mga yun.

  "You look hot when you're angry"

    O_O

  Sh*t bakit ang bilis kung matameme kapag si Justine ang bumanat !

A/N: hi/hello sorry ngayon lang nkapag'update
           PLEASE VOTE AND COMMENT THANKS:*

My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon