Pagkatapos naming magsimba ni nanay, dumaan muna kami ng palengke dahil may bibilhin daw siya.
Nakasunod lang ako sa kanya na parang wala sa sarili habang patingin tingin sa cellphone ko.
Simula kahapon, hindi pa nagpaparamdam si Justine. Tulog pa 'ko nung umuwi siya, kaya hindi ko tuloy natanong ang tungkol sa sinabi niyang may pupuntahan kami ngayon.
Hay naku, bahala siya. Siguro nagbago ang isip niya at hindi niya na 'ko isasama total wala naman talaga akong balak na sumama sa kanya!
"Oh anak may gusto ka bang bilhin?" Biglang tanong ni nanay.
"Wala nay" Simpleng sagot ko. Kunot noong humarap siya sa'kin, nang mapansing matamlay ako.
"Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ang tamlay mo yata" Agad naman akong umiling at pinilit na ngumiti sa harap niya.
"Di po, inaantok lang ako maaga kasi akong nagising kanina" Pagpapalusot ko.
"Sus sabihin mo, namimis mo si Justine. Bakit kasi kapag kasama mo palagi mong inaaway pero kapag wala hinahanap hanap mo naman." I flushed. Grabe si nanay, saan naman nakuha ang ideyang 'yon.
Pero sige aaminin ko namimiss ko siya, very slight lang naman.
"Hindi ko kaya siya inaaway, ayoko lang na doon siya matulog noong nakaraang araw" Sagot ko.
"Hay naku iwan ko sa inyong dalawa, ni hindi ko man lang nakikitang sweet kayo sa isa't isa. Totoo ba talaga iyang relasyon niyo?" Tanong niya na nakapagpatahimik sa'kin. Ganun na ba talaga kami obvious? Hindi na lang ako sumagot at tahimik na sumunod sa kanya.
Hanggang sa makauwi kami sa bahay, 'yon pa rin ang laman ng isip ko. Wala pang isang buwan ang kausunduan namin mukhang mabubuking na kami. I know minsan ang unfair ko, pero ang hirap eh dahil kapag ipapakita kong mahal ko talaga siya hindi na pagpepretend 'yon dahil 'yon talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
And the most painful part is merong deadline, at siguradong ako ang mas masasaktan kapag dumating araw na 'yon.
Sandali akong napaisip, total nandito na rin naman 'to bakit hindi ko subukan. Malay mo naman magkaroon ng himala at magustuhan niya din ako tulad ng lagkakagusto ko sa kanya pero kong hindi atleast minahal niya 'ko at minahal ko siya kahit para sa kanya laro laro lang.
Agad akong natigil mula sa malalim na pag-iisip at mabilis na napabangon sa kama ng marinig kong sumigaw si nanay mula sa sala.
"Zowie Anak!" Mabilis akong lumabas ng kwarto at pinuntahan siya.
"Nay bakit po, may problema?" Tarantang tanong ko ng makalapit ako sa kanya.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang nakangiti siya habang hawak ang dalawang box, isang malaki at isang maliit.
BINABASA MO ANG
My Extraordinary Maid (On-Hold)
Ficção AdolescenteJustine Keiv has everything in life,the money,looks,brain and all the girls he want to be with everynight. Eh paano na lang kung isang araw ay may isang katulong na papasok sa buhay niya. Hindi lang isang simpleng katulong dahil ito ang babaeng sob...