CHAPTER XVIII

2.3K 68 2
                                    






"Ang daya mo talaga Zowie, bakit hindi mo kami sinama kahapon, di ko tuloy nakita si Yvo na naglalaro ng basketball" Nakangusong reklamo ni Chary. Nasa Canteen kasi kami ngayon at kinukwento ko sa kanila yung tungkol sa pagsama ni Justine sakin sa practice nila pati na rin 'yong deal namin.

"Eh hindi ko naman kasi alam na doon niya ko dadalhin and besides umuwi din naman ako kaagad" Sagot ko habang kumakain ng sandwich.


"Ows? talaga? Oh My Ghad wait..agaling bang mag shoot si Justine?" Sabay kaming napatingin ng masama kay Chary dahil sa tinanong niya.




"Oh bakit? May masama ba? Nagtatanong lang naman ako ah, ang green niyo talaga!" Hindi naman sa green minded kami pero sana madapuan ng kahit konting common sense 'tong si Chary.

"Malamang magiging team captain ba 'yon kung hindi? And Zowie are you sure about the deal? Baka ikaw lang din ang nahihirapan niyan" Si Jhoane na ang sumagot sa tanong ni Chary. Mabuti na lang at hindi sila nagalit ng sobra ng malaman ang naging desisyon ko.


"Oo naman, I can handle this. I promised that after two months balik na ulit sa dati 'yong tipong yaya lang ako at siya 'yong amo" Kita sa mukha nilang tatlo 'yong awa para sa'kin. They already knew that I have feelings for Justine, di din naman nila ako masisisi.




Love is one of the thing that is very hard to ignore specially when that person gives you a lot of reason to fall.


"Hay, sige ikaw ang bahala Zowie basta nandito lang kami palagi kahit anong mangyari" Ang sweet talaga ng mga friend ko.




"Group hug tayo dali!" Nakangiting sabi ni Jhoanna.



After ng group hug namin ay nagtaka kami kung bakit biglang natahimik 'yong ibang estudyante at ang sasama ng tingin sa'min.



"Who is she.. I mean who are they?" Mahinang tanong ni Jhoane, ang tinutukoy niya ay ang kakapasok lang na tatlong babae, lahat sila maganda lalo na 'yong sa gitna, siya 'yong babaeng kinaiinggitan ko ng sobra , 'yong dalawa naman parang sinampal ng make-up sa sobrang kapal.



"Si Emanuelle, Justine's ex" Sagot ko pero di ko alam kung narinig 'yon ng tatlo dahil ang atensyon nila ay nandoon sa tatlong babae.


Malakas na ang naging bulong bulangan ng mga tao sa canteen ng maglakad 'yong tatlo papunta sa direksyon namin.



"Excuse me table namin to kaya pwede na kayong maghanap ng bagong pwesto" Maarteng sabi ng isang babae ng makalapit sila sa'min.


" Hahaha Nagpapatawa ka ba? Anong sa inyo to? may pangalan niyo ba tong table na to ha ha?" Nagulat ako bigla ng sumagot si Chary at pinagtawanan pa niya talaga.


May nafefeel akong may hindi magandang mangyayari ngayong araw.


Napakunot ang noo ng dalawang clown este babae pala at parang hindi makapaniwala habang si Emanuelle ay tahimik lang nakikinig.


My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon