CHAPTER XXI

2.1K 65 3
                                    



Mabuti na lang hindi naniwala si Mommy sa pinagsasabi ni Justine kagabi dahil kung hindi siguradong lagot siya sa'kin. Kainis lang kasi tumuloy talaga siya sa pag-alis kagabi, mag-isa tuloy ako sa condo niya.

Sinubukan kung hintayin siya para sa mapag-usapan namain 'yong nangyari pero naghintay lang ako sa wala. Kung umuwi lang sana ang mokong na 'yon hindi sana ako napuyat at higit sa lahat hindi sana ako late ngayon.


"Manong sa harap lang po ng gate" Sabi ko kay manong taxi driver sabay abot ng bayad ko. Nang tumigil 'yong taxi, mabilis akong bumaba at tuloy tuloy na pumasok ng gate. Shemay! 10 minutes na lang late na 'ko at siguradong patay ako sa professor namin.

Naramdam kong nagvibrate 'yong phone ko pero hindi ko na pinansin dahil alam kong mga kaibigan ko 'yong tumatawag.

Lakad takbo ang ginawa ko habang hawak hawak ang libro at project ko sa magkabilang kamay. Sa sobrang pagmamadali hindi ko napansing may makakabangga na pala 'ko at ang masaklap natapunan ng juice ang damit ko.

"What the! Bulag ka ba o sadyang tanga ka lang talaga?" Napatigil ako sa paghakbang dahil sa inis, ako na nga ang natapunan siya pa ang may ganang magalit.

Nagulat ako ng makita si Emanuelle kasama ang mga kaibigan niya.

"Sorry hah" Sarkastikong sabi ko.

"Sorry? Yan lang ang masasabi mo? Can't you see natapon 'yong iniinom ko?" Mataray na pagkakasabi niya.


"Tatanga tanga kasi.." Narinig kong bulong ng kaibigan niya.


"Pasensya na ha dahil hindi ako tumitingin sa dinadanan 'ko pero kayo ba tumitingin sa dinadaan niyo? Kung nakita niyo ko bakit hindi kayo ang umiwas? Tsk kayo yata ang tanga at hindi ako" Sabi ko at ngumiti ng peke, akala nila hahayaan ko na lang ang nangyari, pwes hindi dahil kanina pa 'ko naiinis at humanap lang sila ng paraan para sa kanila ko ibunton 'yon.



"Wow! Naging girlfriend ka lang ni Justine akala mo kung sino ka na! Tandaan mo babalik din siya sakin so better enjoy your remaining days with him" Lumapit siya sa'kin para ibulong 'yon, syempre hindi ako magpapatalo. Best actress kaya 'ko noong high school.


"Really? Well tingnan na'tin. Kahit lahat na binigay mo, iniwan ka pa rin. Eh ako? Walang ginawa pero hinahabol habol" Bulong ko din sa kanya at ngumiti ng ubod tamis.




"So? may sasabihin ka pa? Marami pa kasi akong gagawin na mas importante sa'yo" Sabi ko sabay tingin sa relo ko. Anak ng dinasaur naman ohh 5 minutes na lang!


"Ugh! You'll going to pay for this!" Nanggagalaiting sigaw niya.

"Sige sabihin mo lang kung anong ibabayad ko para mapaghandaan ko" Pang-iinis ko pa lalo. Mas lalong naningkit ang mata niya sa sinabi ko. Nakita ko 'yong kamay niyang handa na sanang sampalin ako pero biglang may pumagitna sa'min at hinawakan ang kamay niya.


My Extraordinary Maid (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon