4:45 na ng hapon. Magkikita kami ngayon ni Lucas sa mini theater. Dun na kasi ang office nila. Nagsimula na kong maglakad mula sa coffee shop dito sa University sa tapat ng Education Building papunta sa meeting place. Ang layo naman kasi nung mini theater. Tabi pa ng Chapel sa may bandang dulo. Saktong 5pm nasa mini theater na ko. Kitam, ganon kalayo, 15 minutes na paglalakad. Dun ako pumasok sa back door para diretso office. Ginawa na kasing rehearsal area yung harap so walang ibang pwedeng makapasok dun kundi members ng Yellow Theater, Indayog Club at siyempre minsan ako! Set designer na nila ako since second year, nung matuklasan ni Lucas yung galing ko sa pag dedesign nung naging mag classmates kami sa religion class.
Pagkabukas ko ng pinto, laking gulat ko na naman at nakaupo si Lloyd sa brown na sofa, magkadikit ang kamay, ang kanyang mga siko ay nakapatong sa kanyang hita. Bakit parang araw-araw ko na lang ata siya nakikita ngayon? Simula nung nagpasya ako na hanapan siya ng mali. Ganon mo ba ako ka mahal Lord, at pinagkikita mo kami araw-araw?
Bumeso agad si Lucas sakin, at pinaupo ako sa tabi ni Lloyd. Nako, naalala ko tuloy bigla yung nangyari kagabi. Hindi pa nga pala ako nag sosorry at nag papasalamat sa kanya. At lalong hindi ko nakalimutan ang paghihinala ko na bading siya, lalo na't nakikita ko si Lucas. At bakit nga ba nandito siya?
"Okay since nandito na kayong dalawa," nag pause pa siya at may kinuhang papel, "kailangan ko pa bang bigyan kayo ng quote?" Dagdag niya.
"Wag na!" Sabay naming sabi.
"Aryt. Sabay pa talaga kayo ah!" Ngumisi siya at binalik yung papel. "Okay, na explain ko na naman kay Lloyd yung mga bagay bagay, so Alie, Lloyd will be your assistant sa set design, he's an archi student kasi!" Napalingon ako sa kanya at lumingon din siya sakin at ngumisi siya ng hindi nakalabas ang ngipin, wow ha pa cute? Pero bagay. "The YT officers knew na kailangan mo na din kasi mag ready sa defense! Haay, the feeling is mutual! Ayaw lang namin na mahirapan ka, kasi naman you're so galing kaya di ka namin ma let go!" Aniya sabay tawa.
Yung play nila ay sarili nilang piece. Aba creative talaga tong mga ka batch ko. Ang title ay Satan's Big Boy, kung saan may isang guy ang laging pinagmamasdan ni Satan at kinakantyawan siya sa lahat ng bagay na gagawin niya. Nakita ko yung plot mejo politics ang isang to.
Nang natapos na yung meeting di na kami pinatagal pa ni Lucas dahil may meeting pa sila ng mga bagong YT members. Kaya ayun sabay kaming umalis.
"Ahm Lloyd." Lumingon ako sa kaniya at nilingon din niya ako. "I just really want to say sorry 'bout last night. And thank you na din kasi you helped Lacey." Dagdag ko.
"It's okay! Lasing eh! Broken hearted?" Tanong niya sakin ng nakangiti.
"I dunno. Wala siyang kinukwento sakin eh. Ewan ko ba dun?"
He smiled. I was close to him, so close, nagkakatamaan na yung braso namin. Ngayon ko lang na appreciate yung facial features niya. He has a soft face, tamang mata na makislap, matangos, at kakaiba yung shape ng mapupulang lips niya. Hindi magulo ang buhok niya dahil bagong gupit siya ngayon. Ang clean tignan, parang titigan mo lang siya mukha siyang mabango. At nakakatuwa lang daig pa ata ang mukha ko, parang wala siyang pores, ang kinis! Hindi ko naman siya tinitigan ng matagal, let me correct it, hindi naman ganon katagal. Huminto kami sa paglalakad, di ko namalayan nasa parking lot na pala kami.
"So dito na ko! Text me kung kailangan mo ko." Aniya.
"Okay." Yun lang nasabi ko. Lumakad na siya papunta sa kotse niya. Pina-alarm niya to, Toyota Vios na black yung car niya. Bago siya pumasok ay kumaway muna siya, kaya kumaway na din ako at ngumiti. Then, pinaandar na niya na ang kotse niya at umalis. SHIT! That's when I realized I don't have his number. Don't get me wrong, kailangan ko lang yung number niya dahil magiging magkatrabaho kami para sa YT.
BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...