Now or Never

14 0 0
                                    

Natapos kami ng dinner ng masaya at nagkwekwentuhan. Grabe feeling ko nabusog ako sa kakatawa hindi sa kakakain.

Nagkwento lang naman si Kuya at Popsie ng mga nakakatuwang karanasan nila sa work. Sa sobrang dami ng kwento nila, nine na ng gabi kami tumayo at kami ni Momsie ang naghugas ng kinainan habang sila Popsie naman yung nagpunas at naglagay ng mga nahugasan namin sa lalagyanan. Haaay namiss ko talaga to, sana hindi na umalis sila Popsie. Gusto ko man itanong, pero ayoko. Ayoko ulit na may mga umaalis. Naiiyak ako pag naiisip ko na aalis sila kuya tapos kaming dalawa na naman ni Momsie ang maiiwan.

"Good night Momsie, good night Popsie!" Bumeso ako sa kanila na nakaupo ngayon sa living room habang nanunuod ng teleserye.

Sabay kami umakyat ni kuya. "Good night panget!" Ang sabi ko sa kanya bago siya pumasok sa kwarto niya.

"Tsss. Good night taba!" Huh ako mataba? Mataba ba ako? Halaaa? Hilig ko kasi magkakain. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko. May baby fats na nga! "Tsss! Sige na matulog ka na!" Tapos sinarado ni kuya yung pinto ng kwarto niya. Adik talaga yon.

Di pa ako makatulog, nasanay siguro ako na late na natutulog. Kaya kahit anong pwesto gawin ko di pa rin ako makatulog. Alam niyo yung feeling na, napagod na lang yung mata niyo kakapilit sa pagpikit tapos ayun didilat ka na lang? Hay ganon, ganon yung nangyayari sa akin. Haist ano ba yan. Kaya binuksan ko muna laptop ko.

Nag FB muna ako. Ayun siyempre tinignan ko kung binati na ba niya ako, o kaya kahit like man lang sa bago kong profile picture ko. Wala pa rin eh. Kaya tinignan ko yung account niya. Mukha naman siyang masaya don, mga blog nga niya about sa LA, at sa mga napupuntahan niya. Pati sa mga pictures niya halata namang masaya siya. Sobrang saya niya, samantalang ako dito, hay. Ilang minuto ko din tinitigan yung picture niya, ang gwapo niya talaga.

After ko siyang i-stalk, nag notif yung e-mail ko kaya binuksan ko to check it at aba may message from RC Macapagal. Dawho?

RC Macapagal
To me
April 18, 2013
rcmacapagal@hamperbooks.com.ph

Good day Ms. Interpret (a/n pen name ni Alie)

We have read the poem that you sent to us, and after several deliberations, we would like to inform you that, we are willing to publish your story under Hamper Publishing Corp. If you are free, can we meet tomorrow at Starbucks, Port City, at 9 a.m. to discuss some things?
Just inform me. You can reach me through my mobile phone +63 917 6027894.

Thank you and more blessings to come!

Happily,
RC.

Napatayo ako sa nabasa ko, gosh! Hamper Publishing Corp.? Isa sa mga sikat na publishing house sa Pilipinas, nag e-mail sakin? T-teka, nag send daw ako ng e-mail kelan? Halaa? Tinignan ko yung mga e-mails ko, hala, may sinend nga ako sa hamper mismo, paano? Wala akong maalala! I checked on my sent mails, nothing suspicious maliban sa date na, April 8.

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon