I Am Not A Stranger!

2 0 0
                                    

Sobrang nagulat talaga ako nung malaman ko na siya pala ang anak ni Mrs. Gracia. Di ko talaga inexpect, well, like what everybody says what a small world!

I watched them, they were both happy conversing, talking about their childhood memories. While I and Jerome are here listening to their enthusiastic voices.

"We met at the lake house in Laguna, reunion yon, right? Nila Papa at ni Tita Belle?" Ani Lacey, na namimilog talaga ang mga mata habang nagkukwento.

"Yes, I can still remember that. Lalo na nung nahulog ka sa duyan kasi tinulak ka nung anak din ng kaibigan nila mama. Who's that boy again?"

"Alfred. Alfred is his name. He's gay pala, lumantad na siya!" And they both laughed, and tuloy tuloy pa din sila sa kwnetuhan.

Nag vibrate ang phone ko, a message from Jerome.

Makatawa kala mo walang bukas. Labas na halos yung McDo niya 😂😈😏

Sino ba? Si Christian o si Lace?

Both!

eh bat affected?

Tapos hindi na nagreply si Jerome. Ang saya diba? Magkatabi lang kami niyan pero txt txt lang, nakakahiya kasi sa kwentuhan ng dalawa baka maistorbo.

"So how do you guys meet? Kayong tatlo?" Tanong ni Ian kay Lace.

"Uhm, college, freshmen year, kami na talaga magkakasama. Then ayun nag click yung mga personalities namin," kwento ni Lace.

Tama, nagclick agad ang mga personalities namin, si Lace sosyalera pero humble and friendly, kahit mayaman. Si Jerome, may kaya din sa buhay, nakaka-angat angat, simple, mabait, may kalokohan din minsan, maporma at maalagain kaya napamahal na siya samin ni Lace, at ako, simpleng babae at carefree, walang masyadong arte sa katawan. Wala nga ba?

Ang pinagtataka ko lang pano naging magkaibigan tong dalawang to. Kating-kati na yung dila ko na tanungin si Lace kung paano at hindi ba nagsungit si Christian sa kaniya nung mga bata pa sila? Pero siyempre, hindi ako panira ng moment no! Pero itong si Ian mukhang nang po-provoke.

"So how's working with each other? Especially...Alie?" He asked while throwing a teasing eye on me.

"Alie's great. Even Jerome. Actually, we're all great," then she laughed at uminom ng tubig. "But you know what? Alie's good workmate and boss na din. Dami ko nga natututunan sa kaniya," blah blah blah... Hanggang sa hindi ko na marinig yung iba pang sinasabi ni Lace about me dahil nairita talaga ako sa kilay niya na biglang tumaas at yung smirk niya na parang nagugulat siya sa mga good words na sinasabi ni Lace about me. Uuuggggh! Hate this guy. Wala na bang mas e-evil pa sa kaniya?

"I see," he replied. Seeeeee! Yun lang nasabi niya,  I see. Halatang, napilitan na magsabi ng words. Kainis!

"And take note, she's single," ani Lacey. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napaawang ang bibig ko. Kailangan talagang i-announce?

Napansin kong kumunot din ang noo ni Ian, at yung mga titig niya, nangaasar talaga. Tsk, bwisit na lalaki, kung di ka lang anak ng cliente eh!

"But you know what, Alie had a great talent aside from designing a home," pumungay ang mga mata ni Lacey habang nakatingin sakin. Masasabi kong pinagmamalaki talaga ako ng best friend kong ito.

"And what is it if I may ask?" Tanong niya habang nakasandal sa chair, and still his eyes were just, you know, nang-aasar. Sinasakyan niya yung mga sinasabi ni Lacey about me, like he doesn't know me at all.

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon