Hi guys! Pang 14 na chapter na to!
So I would like to thank you all dahil pinagpatuloy niyo ang pagbabasa!
If napapansin niyo mabilis yung phasing, well marami pa kasing mangyayari this is not yet the beginning, so just sit back, relax, and enjoy :)
---------------
Chapter 14I Love You Too
I am here sa gilid ng pool, nakaupo habang ang paa ko nakababad sa tubig. Iniisip ko yung pinag-usapan namin kanina lalo na yung narinig ko mula sa bibig ni Lloyd. Pero may iba pa akong iniisip. Mahal ko na rin kaya siya? I mean, may nararamdaman ako para sa kaniya, pero ganito na ba kalalim para masaktan ako at isipin ko siya palagi? Minsan lang akong magkagusto sa isang lalaki, at di ko alam how to deal with it. Sasabihin ko ba o itatago ko lang? I don't know. Naguguluhan ako.
Maya maya pa'y lumapit sakin si Lucas.
"Ehem ehem? Bakit ka mag-isa? Di ka pa ba matutulog?" Ang tanong niya sa akin. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya.
Napabuntong hininga lang ako. Umupo siya sa tabi ko, at feeling ko, handang handa siyang makinig sa sasabihin ko. Well, kailangan ko din naman ng makikinig sa akin. Kailangan ko ng isang kaibigan.
I am just staring at the pool. And then napagtanto ko, gusto ko siya. May nararamdaman ako para sa kaniya. "Gusto ko na talaga siya," ang sabi ko. "Di ko alam paano, pero ang bait niya sa akin, at iba siya sa mga lalaking nakilala ko. Basta iba talaga eh! Gusto ko talaga siya, gustong gusto! Alam mo yun, yung feeling na parang sasabog ka na? Pakiramdam ko di ko na kayang itago, na gusto ko siya." Pero walang response si Lucas. "Lucas, nakikinig ka b----" nung nilingon ko siya nakita ko na lang na nakahiga na siya at natutulog.
Leshe naman, lahat na lang sila tinutulugan ako! Inom pa more!
Tinapik tapik ko siya, "Oy Lucas! Lucas dun ka matulog sa kama mo! Lucas?" Wala pa din. Borlogs na talaga, naghihilik pa. Nako naman, baka malaglag sa pool to eh.
Sinubukan ko siyang buhatin kaso ang bigat. Kaladkarin ko na lang kaya to?
1...2...3...4
Aish! Nakaka apat na steps pa lang ako sa paghihila sa kaniya itinigil ko na. Di ko keri eh! Tsk. Mejo malayo na naman kami sa pool iwan ko na kayo to dito?
"Alie! Iwan mo na lang yan jan! Kami na bahala jan!" Sabi ni Gil.
"Oo nga! Wag kang mag-alala di namin pababayaan si direk!" Dagdag pa ni Juaquin.
Sus ipagkakatiwala ko ba si Lucas sa mga to, eh lasing na din? Ay nako! Bahala na, inaantok na din ako. Tska tomorrow is another day, di ko pa alam kung paano ko siya haharapin bukas. Ay, pambihira! Bahala na! Bahala na si batman! Tsk, si batman na naman!
Nagpagulong gulong ako sa kama ko. Di lang dahil naghihilik din pala itong si Hanna, pero di ko lang talaga alam kung paano na ako bukas. Di ko alam pano siya haharapin ng hindi niya nahahalata na may gusto ako sa kaniya. At tsaka, klarong klaro pa sa akin yung boses niya, yung pagkakasabi niya ng I love you.
BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...