Celebration

20 0 0
                                    

"Aliiiieee congraaats!" Ang sabi ni Lacey at niyakap ako ng mahigpit. "I'm gonna miss you so much! Walang kalimutan ah?" Dagdag niya nang inalis na ako sa pagkakayakap niya.

"Mm. Siyempre. Tska itutuloy pa natin yung plano natin na magtayo ng sarili nating business!" Ang sabi ko sa kaniya. Biglang nagbago ang facial expression niya. "Tsss. What's with that face?" Tanong ko sa kaniya.

"Aliiieeng Mariiiee!" Tawag ni Jerome sa akin. Nakita ko namang napangiti si Lacey. I know nagpipigil lang ang isang to. "Congrats, miss Cum Laude!" Niyakap niya ako. Then he looked at Lacey. "And to you too. Congrats, graduates na tayo!" He said to her.

"Thanks! Sayo din!" She said. And there was silence.

"Aaay nako! Sinisra niyo yung moment eh! Bukas, sa bahay punta kayo, may celebration na ganap sa bahay! Walang mawawala!" Dinuro duro ko yung dalawa. Tumango lang si Lacey.

"SURE! We will come!" Sabi ni Jerome at kinindatan ako.

Nasipat ko si Momsie sa likod, may dala dalang flowers! Dali daling bumaba si Momsie para puntahan kami. "Congrats anaaaak! I'm so proud of you!" Inabot niya sa akin ang bulaklak at tumingin sa dalawa. Inamoy ko ang mga ito, hmmmm, ang bango!

"Nako nako nako!" Inakbayan niya ang dalawa na nagkakailangan pa din. "Congrats sa inyo! Parang kelan lang! Graduates na kayo! Nakoo, mamimiss ko yung mga pag-sleep over niyo sa bahay."

"Tita, don't worry, bibisita pa rin kami sa inyo. Diba Lace!" Ang sabi ni Jerome at tumango lang si Lacey.

"Mabuti naman kung ganon!" Inalis na ni Momsie ang braso niya sa dalawa. "Bukas may konting pakain si mayor! Punta kayo ah!" At nakuha pa niyang mag joke, pero infernez, benta sa dalawa.

"Sige tita, we'll be there!" Ang sabi ni Lacey. Bumaling siya sakin at bumeso.
Tinignan ko lang siyang lumakad papalayo, papunta sa Mama't Papa niya, then I saw Levi, he winked at me. Bumulong siya sa mga magulang niya at parang papunta ata sa direksyon namin.

"Sige po tita, congrats ulit!" Bumeso si Jerome kay Momsie at may binulong sakin bago bumeso. "Escape na ko, parating na ang mga lover boys. Bye!"

"Huh?" Napakunot ang noo ko, I looked on the right, and then to the left, haaaay, si Levi at si Carlo.

"Alie!" Ang sabi nung dalawa. At nagunahan pa papunta sa akin.

"Ehem ehem." Kunwari nauubo si Momsie.

"Hi tita!" Sabi nilang dalawa nang sabay.

"Alie anak, hintayin na lang kita sa labas." Tapos hinawakan niya yung dalawa sa balikat, "Mmm. Ayusin niyo lang!" Hahaha, at napalunok yung dalawa, kitang kita ko.

"Congrats!" Ang sabi ni Carlo, at may inabot na gift. Napataas ang kilay ko sa gift. "Aah, for you. Congrats," kinuha ko yung gift na inabot niya, then nagpasalamat ako.

"Tsss. Babe! Congrats ah! Bukas ko na iaabot yung gifts ko sayo." Ang sabi ni Levi.

"Gifts?" Don't tell me marami siyang ibibigay sa akin? Tumango siya. "Uhm, thanks. Congrats na din sainyong dalawa." Nagpapalit palit ang tingin ko kasi para silang nagsusukatan ng tingin. Napaubo na lang ako kunwari tapos tumingin sila sakin ng nakangiti. Tsss wala talagang pag-asa tong dalawa to!

Tinapik ko na lang silang dalawa at umalis na. Iniwan ko sila don habang sa palagay ko ay nakatingin sakin.

Ng nasa bahay na, panay tawag ng mga tita at tito ko sa amin. Masaya at tuwang tuwa daw sila. Panigurado full house na naman ang bahay bukas. Kaya tinulungan ko si Momsie sa paghahanda at pag-aayos ng bahay. Nagpalit kami ng mga kurtina, sofa sheets, door mats, table cloth, at naglagay din si Momsie ng air freshener sa center table. Mmm, amoy lavander!

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon