Papunta na ako sa condo nung Christian para kausapin siya ng personal! Ang sabi kasi ni Ate Raian dun daw kami mag-usap, di pa kasi alam ng publiko ang totoong si Ms. Interpret.
Nasa 15th floor na ako. Hinanap ko ang room 1502, nung mahanap ko na, di na ako nag dalawang isip pa at nag ring ako. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago niya ako pagbuksan ng pinto! Nakakaloka!
Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto, nagulat ako sa nakita ko. At nagulat din naman siya sa tumambad sa harap ng pintuan niya.
"Ikaw?" Sabay naming sabi. He was about to shut the door, pero agad ko yung pinigilan.
"Hep..hep..hep..Don't you dare close this door!" Matapang kong sabi sa kaniya. Pero di siya natinag! Sinimangutan niya lang ako at isasara ulit ang pinto.
"Waaaiiit!" At pinigilan ko ulit yun. Mukhang nauubos na ata ang pasensya niya dahil pabuka na ang bibig niya. Aba, ako, ubos na ang pasensya ko, kanina pang umaga!
"If you're here dahil sa mga bata sa orphanage," he tilt his head at nilakihan niya yung mga mata niya na parang naninindak, "then you're free to leave!"
"Hoy lalaking, nakahubad!" Oo nakahubad, topless kasi siya nung binuksan niya yung pinto. Wala bang pambili ng shirt to? Mainit ba sa condo niya? "Hindi ako nagpunta dito para don. I'm here for my story!"
He smirked ng nakakaloko. "So you're the pathetic writer?"
"Anong sabi mo? Hoy lalaking nakahubad, ang kapal din naman ng mukha mo no? Matapos mong baguhin yung story ko, sasabihan mo kong pathetic? Siguro inggit ka lang kasi bestselling ang book ko?" Ang sabi ko sa kaniya. Wala akong paki kung may nakakarinig man, kasi nga, galit na galit talaga ako!
Hinatak niya ako papasok ng condo niya. Siyemay, hinila niya ako ng ganon ganon lang? Una topless siya, tapos basta basta na lang niya ako hinatak! Chivalry is dead na talaga! Tsaka nasa Pilipinas siya, wala siya sa New York!
"Hoy! Ano ako manika na hahatak-hatakin mo lang?"
"Can you just..." Pero hindi ko siya pinatapos at lumapit ako sa kaniya ng nakapamewang.
"Ano?"
"Can you just shut up?"
"I won't! Hanggang di ka nag eexplain sakin bakit mo binago yung story ko."
Pumasok siya sa pinto which I think his room. "Tignan mo to, kinakausap pa eh!" Ang sabi ko sa sarili ko. "Hoy Mr. Christian, I'm not yet done talking with you!"
Lumabas siya don na meron ng suot na pantaas. He crossed his arms at tinitigan ako.
"Ano! Bakit mo binago ang story ko?" Muli kong tanong sa kaniya.
"First of all, Miss?"
"Alie!"
"Alie, your company begged if I can help you with your story. I had a wonderful life back at States, pero dahil nga they need me, napilitan akong pumunta dito, and now I know the reason why," he said teasingly! Aba naman, eh ang yabang naman pala ng isang to eh!
"Wow! Just. Wow! So utang na loob ko pa pala yun sayo?"
Pumunta siya sa dining table niya at kumuha ng mansanas. "Yes," he said confidently tapos kumagat siya sa mansanas. "You want some?"
"No thanks!"
"Alam mo! Ang dami ko ng na edit na libro, internationally! Yung mga bestselling authors talaga. And this is the first story na nahawakan ko na napaka pathetic! Okay na sana na you want your opening sad. But isn't a "discrimination" sa mga mahihirap and it is considered as poverty porn, don't you know that? Bakit naranasan mo na ba maging sila?" He said to me like it's a slap on my face.
BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...