The Girl in the Picture

18 0 0
                                    

Pagkauwi namin ng bahay ni Momsie, agad kong binuksan yung laptop ko, nag open ako ng facebook ko then pumunta ako sa account ni Lloyd. Nag search ako ng friends niya, tinype ko agad Kayzee, pero no results found. Uugghhh, I know, I shouldn't be like this. Di ko dapat inaaksaya yung oras ko sa mga ganito. I stared at nothing for about a minute ata. Napabuntong hininga na lang ako. Napahiga ako, para akong ewan. Parang mas maganda ata na I keep myself busy, makapag aral na nga lang, sabagay finals na namin next week, at last defense na namin, eto lang masasabi ko, so help me God.

----------

Maaga akong pumasok kahit na 1:30pm pa class ko. Kailangan ko kasing i-check yung progress sa set design, bukas na kaya ang main event! I mean yung pinakahihintay na play ng lahat.

Pumasok ako sa Auditorium, wala pang tao. I turn the lights on and nakita ko yung stage, wow, etong eto yung dinesign namin, ang galing naman! Everything's white, yung floor, yung back drop, props, furnitures, nakakatuwa naman. Huling ariba ko na to kaya sana marami ang manuod at magustuhan din nila of course.

"Hey! Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Lucas.

"Hi! Tinitignan ko lang tong stage!" Lumapit pa siya sa akin, siguro di niya ako nakilala kasi nagpagupit ako.

"Ay, ikaw pala yan Alie, nice hair ah!" Nakipag beso ako sa kaniya then umupo siya. "Ang ganda no! Excited na ko na kinakabahan! Bukas na eh! Tsaka ako ang director, kinakabahan ako sa resulta!" Aniya.

"Ok lang kabahan, pero tiwala lang! Mejo kinakabahan na din ako, baka di nila magustuhan yung set design, alam mo na!" Umupo ako at nilapag yung bag ko.

"Ang ganda kaya girl, tsaka mapapaisip ka talaga kung bakit ganyan yung design, good job! Ikaw na talaga!" Nag thumbs up siya sa akin, kaso di ko naman talaga idea to, idea ni Lloyd to.

"Di lang ako pati si Lloyd no!" Sabi ko.

"Oo nga pala. Punta kayo mamaya, general rehearsal ah, walang mawawala!" Paalala ni Lucas.

"Sure, sige."

Tumayo siya, lumipat ng pwesto, yung malapit sa akin. Tinapik niya ako, yung hitsura niya, hitsurang curious. "Girl, bagay sayo yung buhok mo! Mukha kang artista, pero why naman ginupetch mo iyong hair?" Tanong niya.

"Wala lang, new look, para maganda ako sa graduation picture," sagot ko sa kaniya.

"Hmmp. Kfine! May naalala kasi ako sa buhok mo, lalo na nung mahaba pa. Ano eh, naisip ko lang, yung sa blog ni Lloyd, yung ano nga bang blog na yun? Uhm, yun, yung I don't want again ata. Parang ikaw kasi yung girl don!" Napatitig ako ng husto sa kaniya, ako? Panong naging ako?

"Huh? Ako? Paano?"

"Eh kasi, parang buhok mo yun eh, kahit kuha sa malayo, buhok mo talaga yun! Tska, may color gray kang T-shirt diba?" Pinagpipilitan niya talagang ako yung nasa picture. Pero saglit nga, oo may gray shirt nga ako. Pero ako? Ako yung babaeng nagugustuhan niya? Malabo. Eh kung maka iwas nga sakin kala mo naman may utang siya sakin na di pa niya binabayaran. 

"Eh hindi lang naman ako yung estudyante dito na may gray shirt," sabi ko, kahit na parang gusto ko nga na ako yun pero ayokong umasa. Masakit mag expect! Parang yung feeling na, nagaabang ka nang jeep sa estasyon ng tren. Mahirap, at sobrang nakakabulag ang umasa, nabubulag ka sa akala mong totoo.

"Hay nako, basta ako, I think it's you!"

Kinuha ko yung bag ko at tumayo, "Hay nako, ewan ko sayo! Siya sige alis na ko, see yah later!" Nakipag beso ako sa kaniya then umalis na.

"Ask him, girl!" Pahabol na sabi ni Lucas. Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Ask him? Paano, eh iniiwasan nga niya ako?

----------
After ng class namin, niyayaya ako nina Lacey at Jerome na magpunta sa bahay nila Lacey, movie marathon daw. "Sorry guys, di ako pwede, general rehearsal ng YT ngayon," paliwanag ko.

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon