I Noticed You

18 0 0
                                    

Dalawang beses sa isang linggo kami nagkikita ni Lloyd para sa set design. Hindi kasi biro tong ginagawa namin. Kailangan maayos lahat kahit maliliit na detalye, ganito ka nitty gritty ang pagiging archi at isang interior designer! At hindi din biro ang ma critizise ng mga taong walang magawa sa buhay, lalo na nang mga tao na mas nakakaalam at may alam, kaya naman dapat maging maingat. Nagpapaconsult kami sa mga nakakataas about sa mga design at layout para sa stage play, dahil dito, mejo naging close ko na din si Lloyd.

"Prof Pascua, eto yung third draft na ginawa namin, ano sa tingin mo ayos ba?" Tanong ko sa professor ko sa Fine Arts.

"Ok naman!" Sagot niya. Yun lang ang sagot niya? Okay naman? Kumunot ang noo namin pareho ni Lloyd. Nagkatinginan kami at parehong confused ang mukha namin. Alam naming may something sa sinabi niya.

"Prof! Anong ok naman? Oo o hindi lang ang tamang sagot. Tatanggapin namin ng maluwag sa kalooban kung sasabihin mo yung---" di pa man ako tapos ay sumagot si Prof at tinigil ang pag check sa papers ng mga freshmen.

"Okay okay! Hindi!" Sagot niya at tinitigan kami. Hay pambihira naman oh! Pinaghirapan namin to ih! Wala pa din?

Umalis kami ng building ng matamlay at malungkot. Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin, yung iba masama yung tingin sa akin at yung iba naman nagbubulungan pa. Anong problema people? As if namang aagawin ko sa inyo tong lalaking kasama ko? I threw a look behind my shoulders, nakalagay sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay niya at nakayuko siya. Ano kayang iniisip ng isang to?

Nang makarating kami sa coffee shop, nagkislapan agad ang mga mata ng mga cashier doon. Tss, napangiti ako sa na iimagine ko, siguro sa paningin nila ay kumikinang kinang at hinahangin hangin ang buhok ni Lloyd nang pagpasok niya tapos nasira yung moment pagkapasok ko. So ako ang kj sa momentum nila.

Walang masyadong estudyante ngayon sa coffee shop kaya kahit san kami umupo ay okay lang. At aba nga naman ang mga girlaloo, parang na mighty bond ang mga eyeballs kay Lloyd, nakasunod ng tingin, minsan nakakairita na! Umupo kami sa pang 2 seater table lang, pareho naming nilabas ang laptop namin, nilabas ko na din pati yung sketch pad ko. Sa likod ng laptop ko ay nakabungad ang magandang mukha ni Lloyd. Such a flower boy! Tinignan ko siya ng maigi. Gwapo naman pala talaga siya, naiintindihan ko kung bakit ganon na lang kung makapag react ang mga babae kapag nakikita siya, kaso sobra naman! Pwede naman sigurong mag hunos dili diba? Di ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatingin sa kaniya.

"Mmh, may dumi ba ko sa mukha?" Tanong niya habang nakakunot ang noo at nakatingin sakin, umiling na lang ako. Pambihira, nahuli pa niya ata akong nakatitig sa kaniya. Napa tilt ang ulo niya nung umiling ako, siguro nagtataka siya. Bakit? Ganito kasi yan, naging honest ako sa kaniya ng sobra last two weeks, sinabi ko kung gano ako naiinis sa mga babaeng nagkakagulo sa kaniya na parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Naiinis din ako. Pero tumatahimik na lang ako at minsan ngumingiti. Di naman ako suplado, ayoko lang ma misunderstood nila ang actions ko." Sagot niya sa akin non. He's just acting cool about it. Napaka normal at simple ng tao na to. Nung una akala ko isa siya sa mga popular guys na inaabuso ang pagka famous, yung tipong gwapo na nga, lalo pang magpapagwapo; pormahang nakakamatay, buhok na pinasalon, galawang mysterious at kung anu-ano pa. Pero iba siya, unti-unti ko siyang nakikilala. At first aaminin ko, mainit talaga ang dugo ko sa mga katulad niyang famous, coz for me, I prefer more the quiet, simple and carefree life.

"Mas bagay sayo yung walang make-up!" He said out of nowhere.

Mas bagay sayo yung walang make up.
Mas bagay sayo yung walang make up.
Mas bagay sayo yung walang make up.

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon