Huling taon ko na sa kolehiyo, hooray! Tayo ay magsaya at magalak! Dahil sa wakas, malalagpasan ko na yung stage kung saan kailangan kong magsunog ng kilay, sa mga requirements na sabay-sabay ang pagpasa, at siyempre, itong paparating na defense sa natapos naming thesis noong third year. Halos magmukha na kaming zombie sa kakapalit ng topic, kakarevise ng mga chapters, kakahanap ng sources at resources, at kung anu ano pang ka ekekan na di naman magagamit kapag nagtrabaho ka na! Hay buhay.
Maraming estudyante ang pagala gala ngayon sa open area na kilala din sa tawag na Freedom Area. Eto na ang naging official tambayan ng mga nag-aaral dito. Sa lawak ba naman nito, tapos may mga sementadong bench pa na nakapalibot, at sa ilang parte nito ay may mga damo na ang sarap upuan. Malaya ka talagang makakatambay at gawin ang gusto mo, pwedeng mag practice ng sayaw, sabayang pagbigkas, cheering, tapos sa gilid susulyapan mo yung crush mo na nilalandi mo o kaya yung jowa mo na bantay sarado sayo kasi nga nilalandi ng nagkaka-crush sa kaniya! Pagkalagpas naman ng Freedom area sa may bandang kanan ay ang Office of the Student's Affair, doon nakalagay yung mga pangalan ng enrolled na, dun mo din malalaman kung anong section mo, kung may na release ng ID, kung anong mga rooms ang gagamitin mo this year at sinong magiging prof mo.
Pumasok ako ng OSA building, at naging struggle sakin yon dahil sa dami ng freshmen. Hay nako, I know the feels, pinagdaanan ko din ang pagiging freshman. At dito sa admin hall mo makikilala ang una mong makakasama, ang mga magiging classmates mo, pati na din yung mga taong kaiinisan mo.
Nang makalagpas sa dagat ng mga first year students, agad kong tinignan ang bulletin board ng College of Arts and Science. Hinanap ko ang AB Fine Arts, hah, at nakita ko ang pangalan ko, Alissa Marie Cristobal, at siyempre ang names ng besties ko, Lacey Franco at Jerome Borja. And speaking of besties, may sumisigaw sa pangalan ko.
"Alie!" Si Lacey, na naka floral dress at flats. Ngumiti ako sa kanya ng nakita ko siya. Lumapit siya sakin at bumeso. Mukhang iba na naman ang pabango ng isang to ah? There's only one reason kapag nagpapalit ng perfume si Lacey; one, dahil sawa na siya sa ginagamit niya, pero very rare mangyari yun, and two nag-away sila ng jowa niya.
Petite itong si Lacey, siguro 4'11 ang height, pero super cute! Imagine mo na lang ang bilugan niyang mata at ang kaniyang pilikmata na effortless na naka curl, pati na rin ang maiitim na eyelines niya. Mas lalo na define ang mata niya dahil sa winged eye liner niya, at brown eyeshadow. At mukhang nag lip gloss pa ata siya ngayon.
"Ano classmates ba tayo? Di ba ako napunta ng Section A?" Tanong niya.
Section B ang pinili namin sa tatlong sections na meron sa AB Fine Arts. Section A, kung nasan ang mga matatalino raw at sobrang yaman na mga Fine Arts students.
Section B kung saan andun kami, ito yung mga easy go lucky na pala aral naman. Pero kaming tatlo lagi kaming nirerequest ng Dean na ilipat sa Section A dahil dun daw kami nararapat. Kaso ang mga estudyante don puro seryoso, at maaarte pa yung iba. Sa Section C, ito naman yung mga nag-aaral din naman kaya lang mas kailangan pang pagtuonan ng pansin dahil minsan bumabagsak talaga."Yep, still section B! Teka, iba pabango mo? Nag-away ba kayo ni Maki?" Tanong ko sa kanya, dahilan ng pagngiwi niya.
"Hay, ano pa nga ba? Don't ask na lang kasi ayoko muna siyang pag-usapan! Anyways, anong gagawin natin today?" Biglang nagbago ang facial expression niya at parang batang niyayaya ang mommy niya na pumunta ng mall.
"Dun natin yan pag-usapan sa labas!" Hinatak ko ang kamay niya para dalhin sa Office of Student's Affair at pagkatapos ay hinila ko siya papalabas ng admin hall.
Dahil nga first day of school, wala pa namang gagawin ngayon, kailangan mo lang tignan yung name mo sa admin hall at kuhanin ang ID, tapos makipag chikahan. Ewan ko ba sa school namin, ayaw nila ipost online, tska mo lang makukuha schedule mo once i-log in mo yung new student's number mo na nasa ID.
BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
Storie d'amoreA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...