I Don't Like You

10 0 0
                                    

Ka skype ko ngayon si Ate Raian, wala na akong time para ma meet siya at this hour, gabi na kaya, and I'm also a very busy person! At napagod ako sa orphanage kanina.

"So yun na nga! You need to write at least 5 chapters man lang! We need to present something sa mga partners natin sa New York for their continuous support and partnership with our company!" Ang sabi ng magandang magandang si Ate Raian. Lalo ata siyang gumaganda ngayon! Ano ba yan, ganyan ba siya pag nagkaka edad, mas nagmumukhang bata at maganda?

Habang magka skype kami ni ate Raian, ako naman may kagat kagat na tinapay. "I'll try okay?"

"You must! We really need this thing Alie! Nakilala na tayo world wide! We need to keep this up!" She said again.

Yeah right, like I am a hero! Eh hindi lang naman ako ang author sa mundong ito? Bakit kailangan ako pa? Natanong ko na din yan dati kay Ate Raian, ang sabi niya lang, why not? Tssss, pambihira! I was not born for this! "Ate Raian, what if, humanap na lang kayo ng bagong writer?"

"Alie naman! They want you! They really do. And Alie, I have faith in you! Dumarami na ang fans mo at ng book mo! So please Alie?" She said again at nag pout pa, pa cute. Sus, kung di ka lang maganda ate Yan. I let out a sigh in defeat. May magagawa pa ba ako? Eh, hindi ako tatantanan ni Ate Yan.

"So?"

"Okay! You win! Again," ang sabi ko, at nag pout na din, ayan, nahawa tuloy ako sa kaniya.

"YES! WOHOO!" Then she stood up and danced. Akalain niyo, sa ganda niyang yan sumasayaw siya ng ganyan, kahit di siya marunong sumayaw ang graceful niya pa ring tignan. Pero tumigil siya at kunwaring umubo at nag-ayos ng sarili. Why stop? Haha, tinignan ko yung direksyon ng mata niya, tumingin ako sa likod ko at nakita kong nakatayo si kuya sa may pintuan ko. So that answers my question, at napa chuckle ako.

"Kakain na daw!" Malamig na sabi ni kuya at umalis na.

"Tssss. Sungit!" Rinig kong sabi ni Ate Raian.

"Hahaha! Kaya pala natigil ka sa victory dance mo! Siya sige. I'll start writing na," ang sabi ko kay Ate Raian, pero nagsalita siya nung akmang papatayin ko na yung laptop ko.

"Wait! You have a deadline! Do it within 3 months! 5 chapters for 3 months Alie! 5 chapters! Mahabang oras na yan ah! Tinawaran ko na yan kay EIC! Yan lang nakayanan ko. Dapat nga 1 month eh?"

"What? Tawad na yan? T-three months? Shems!" Hala, what to do? Nakaka pressure naman to? And to think, dumarami na rin ang clients namin! Huhuhu, eto na naman ako, pumasok sa isang sitwasyon na di ko ata kayang takasan!

"Yes dear! 5 chapters in 3 months. You can do it Alie! I believe in you, sana ikaw din."

Sana ako din. 

I don't know anymore. Di ko nga alam kung para saan at pinagpapatuloy ko pa to? Wala na ba talaga akong choice? Or dahil andito na din kasi? Aaaaaa ewan. After ng pag-uusap namin ni Ate Raian ay bumaba na ako para kumain, and as usual, nakahanda na agad ang pagkain sa lamesa, lalafang na lang talaga ako. Habang kumakain at nagku-kwentuhan, di pa din maalis sa isip ko kung pano ko ba sisimulan ang librong pinapagawa sa akin. Isipin mo, in 3 months kailangan may maiapasa akong limang chapters? Ang hirap kaya nun no! 

Pagkatapos kumain ay naupo muna ako sa kama ko, tumingin ako sa bintana ko at naglakad papunta doon, ang ganda ng kalangitan. Sabi nila, mas ma appreciate mo ang stars once na the city lights are out or nasa isang place ka where it is never reached by electricity. Hmmm ano kaya kung magpunta ako sa ganong lugar? Soul searching ba, baka may masulat ako? Pero di pwede! May mga kliyente kang dapat asikasuhin Alissa Marie!

Hey Mister, It's a Love Letter!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon