144

24 2 8
                                    

December 23
WHATTATOPS TANGERINE SIOMAI SIOPAO LECHE FLAN PUTO POTCHI FUDGE BISKWITTT!!!! YAN NA NGA BA ANG SINASABI KO KAPAG NAGSASALITA NANG WALA SA WISYO EH! DI KO IN-EXPECT YUNG MAGIGING WAKAS NG FRIENDSHIP NAMIN. DI KO INAAKALANG MAGTATAPOS YON SA GANO'NG PARAAN. AKALA KO AYOS NANG IWASAN SIYA PERO IBA ANG NANGYARI.

UMAMIN. AKO. SA. KANIYA. SA. PANGALAWANG. PAGKAKATAON. PERIOD.

Wala na! Tapos na talaga kami! (I mean, yung friendship, wala namang kami) Sabi ko nga habang umiiwas ako, pag-iisipan ko muna yung sunod kong gagawin. Nasa isip ko pa namang sulitin muna ang oras hangga't pwede ko pa siyang maging kaibigan tapos ano 'to?!!

I confronted him. Sa mismong tapat ng bahay namin. Kaming dalawa lang, at ibang dumaraan, sa malawak na kalsada pero parang naubusan ako ng hangin. Gulong-gulo ang isip ko no'n lalo na nung sinabi niyang na-miss niya ako. Tapos nung nadulas ako, hindi siya nakapagsalita. Tinitigan niya lang ako na parang nag-transform ako sa anyong hindi niya kilala.

Bakit pa kasi siya mag-ba-basketball kasama ni Jerald?! Ay mali, bakit pa kasi siya nagising nang maaga ngayon araw? O kung alam niyang iniiwasan ko siya, bakit siya nagpumilit na kausapin ako? Ayan tuloy!

Now, I'm looking at my pathetic self in the mirror. Kung ganitong itsura ang nakikita niya sa akin, malamang weird ako sa paningin niya lalo na kanija. Asa pa nga akong may magkagusto sa akin 'di ba?  Ang pangit na pero mas pangit pa pala ako kapag umiiyak.

Sige, hayaan ko muna ang sarili kong umiyak. Choice ko 'to, eh. Ito siguro ang sinasabi niyang choice at fate. Hindi mangyayari ang isang bagay kung hindi pinili o ginusto. Hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa kaniya. Kinaibigan ko siya at hinayaang maging malapit  kahit na alam kong hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko. Ayan tuloy nasaktan ako.

Ang malala pa, nalaman na ng mga kapatid kong hindi lang simpleng pagka-crush ang nararamdaman ko para sa kaniya. In-intriga nila ako, lalo na si ate na lumabas agad nang banyo pagkarinig ng pagdabog ko ng pinto. Ang tagal na niya sa CR pero hindi pa pala siya naliligo. Si kuya naman, napansin niya rin ang mood ko. Hindi siya gaanong nagsalita pero siya na ang lumabas para bumili sa bakery. Pero pagbalik niya ay wala rin siyang bitbit kasi ubos na raw ang pandesal.

Nasira na nga ang araw ko, dinamay ko pa ang mga kapatid ko... pati siya.  Paniguradong hindi na  maganda ang tingin niya sa akin. At paniguradong hindi na niya ako papansinin. Sige, ayos lang. Iyon naman talaga ang gusto ko. Iyon naman ang dahilan ng pag-iwas ko.

It's official then. Now, I'll try to live a normal life once again. Without heartaches. Just by myself.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon