[18]

17 2 9
                                        

It seems like God gave me signs before everything between us ends. Bukod sa rejection, unti-unti na kaming nagkalayo ng landas. Eventually, we have to go separate ways to grow. Hindi kami totally naghiwalay pero hindi na kaki nagkita kahit nasa iisang university kami. Bukod sa magkalayo ang building namin, pareho rin kaming busy at may ibang priorities.

Syempre noong una, sobrang sakit. Hindi pa ako nakuntento sa pag-iyak ko sa ate ko. Dinamay ko pa ang kaibigan ko pagkatapos kong mang-reject.
Iniyakan ko talaga yung kaibigan ko kasi syempre, another heartbreak 'yon. Mas malala pa sa naunang heartbreak kasi willing si ano na mag-take ng risk para sa akin kaso ako yung umatras. Bukod sa sobrang guilty ako, gustung-gusto ko talagang pumayag na manligaw siya. Kaso ang problema, alam kong 'di pa ako sapat.

Dumaan ako sa stage kung saan ang pinakanahirapan akong pigilan ay ang sarili ko. Wala, eh. Nagmahal ako kahit alam kong 'di ko mapapanindigan. 'Di ko sigurado sa future noon pero sabi ko ako muna. Aayusin ko muna ang present situation ko bago yung future.

So what were the signs before everything happened?

Una, hindi na po siya nag-re-reply sa tweets ko kahit gaano pa 'yon karami o kaganda. Pangalawa, nababawasan na ang oras namin nang magkasama. Busy ako kahit break time ko at ganoon din siya. At pangatlo, mas dumami ang oras na kasama niya ang batchmates niya. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit hindi na ako umasa. Kasi malaki na ang tsansa na mahulog siya sa iba.

Everything went blurry afterwards. Ang alam ko na lang ay nag-focus ako sa pagpapayat ako. Fortiunately, after 3-5 months, nagkaroon ng magandang resulta. Pumayat ako. Kahit papaano ay bumagay sa akin ang katawan ko. Medyo tumaas ang self-esteem ko no'n. Masaya sa pakiramdam. Sobra. Lalo na kasi maraming nagulat sa paligid ko.

Totoo nga ang sabi nila, 'wag mo i-announce sa tao ang plano mo para 'di masira. Hindi ko sinabi ang goal ko sa ibang tao. Ginawa ko lang. Pati nga mga kapaitd ko nagulat kasi masyado akong consistent that time. Wala, eh. Desidido talaga ako.

The thing is, ang isa sa dahilan kung bakit ko 'yon ginawa, hindi na nakaabot. Hindi na nakarating sa kaniya ang balita dahil nawalan kami ng komunikasyon. Doon ko naisip ulit na nasa fairy tale ako nung nagpaalam siya sa aking manligaw. Para kasing hindi totoo 'yon. Parang naging segment lang ng isang napakagandang panaginip.

At ano ang bad side ng pagkakaroon ng fairy tale? You wake up. Dahil sa sobra kang na-absorb ng mga pangyayari, nahahalo na 'yon sa reyalidad mo. Totoo siya pero pagkatapos ng lahat ng nangyari, tumatak sa isip ko na naging parte lang siya ng panaginip ko, ng sarili kong fairy tale.

Nakakatawang isipin kung gaano kabilis magbago ang isang bagay. 'Di ko inakalang babalik kami sa wala. Para pagaanin ang sarili ko sa heartbreak, madalas kong sinasabi sa sarili kong kung sabagay, maraming nagsasabi sa aking 'di ako bagay sa kaniya. Nakakakirot sa puso pero at the same time, unti-unti ko 'yong natatanggap.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon