[19]

14 1 4
                                        

The following year, 3rd year college. Nakalatag na ang plano ko sa buhay para sa susunod na sampung taon. Mag-aral nang mabuti para makapagtapos sa kolehiyo, i-maintain ang katawan ko, panatilihin ang skincare, at magkaroon ng payapang buhay kasama ang pamilya ko. Pati pala magkaroon ng magandang career. 'Yun lang, wala na akong ibang nasa isip.

Sa sobrang motivated kong magkaroon ng magandang kinabukasan, halos wala na akong oras para sa sarili ko. I mean, minsan na lang ako maglibang-- manood ng drama, maglaro sa phone o PC, at mag-browse ng social media. As in, minsan na lang.

Then, one time, sa pinakaordinaryong araw, Lunes 'yon tanda ko pa. Pagkauwi ko galing sa bahay galing school, tumunog yung phone ko dahil sa notification. Automatic kasing nakokonekta yung wifi namin sa bahay sa phone ko. That one ordinary afternoon, nagkaroon ng plot twist ang buhay ko.

What happened? Nagparamdam siya ulit sa akin gamit ang social media. Syempre, nagulat ako no'n kasi masyadong out of the blue. Oo, kinilig pero ano,... hindi ko na gaanong tanda yung iba pa.

On that very same day, nabanggit din siya ng parents ko sa akin habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko na rin tanda kung anu-ano ang mga sinabi at tinanong nila tungkol sa kaniya. Ang alam ko lang ay pinuri siya ng mga magulang at hindi ko alam kung bakit.

Happy ending ba ang nangyari pagkatapos no'n? Hindi. Hindi ko na-predict.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon