165

17 1 10
                                        

APR 09

River

Wed 18:00

Eloisa

Pano kiligin yung mga lalaki? Naisip ko lang hahahah

River

Nanonood ka ng movies diba? Tingnan mo nalang don haha

Eloisa

Di makatotohanan yung nandon eh ewan ko ba. Parang ginagawa lang ng actors yon para lalong kiligin yung fans sa kanila jk hahaha

Tsaka ang tagal na natin magkasama pero ni isang beses yata di pa kita nakikitang kiligin. Puro tawa ka lang tas pang aasar sakin

River

Hahahaha

Eloisa

Lah bat ka tumatawa?

River

Wala lang hahaha

Eloisa

Pinagtitripan mo lang yata ako eh. Gusto mo ba talaga ako river? Seryosong tanong

River

Tinatanong pa ba yon

Eloisa

Aytt oo na di na

To nalang. Kinilig ka na ba sakin kahit minsan?

Pambawi lang yan sa mga tanong mong nakakapiga ng utak hahahaha

Kahit di pala sakin. Kinikilig ba kayong mga lalaki?

River

Hindi

Eloisa

Ay weh? True ba? So kaming babae lang marurupok char hahahaha

Bat parang kinikilig naman yung mga lalaki? Di ko nga lang alam kung bakit at paano kasi wala akong gaanong kaibigang lalaki

River

De joke kinikilig kami

pero patago HAHAHA

Eloisa

Buang hahahaha required ba itago yun?

River

Ewan ko rin hahaha pero siguro natural na yun samin. Di kami showy ng feelings

Eloisa

Gravyy di ko maimagine. Hirap siguro non gawin

River

Di naman. May mga lalaki namang iba na halata kung kiligin at showy din sa feelings nila. Pero meron din talagang nahihiya hahaha

Eloisa

Pano ba kasi naiinlove yung mga lalaki?

River

Halos kapareho din kung pano kayo magkagusto

Eloisa

Takte di ko din maimagine HAHAHA

River

Babae ka kasi haha

Eloisa

Siguro ngaaa pero kasi di obvious. Babae lang at beki ang mga alam kong tumitili o halatang kinikilig. Kadalasan ng mga lalaki parang bato. Bihira lang talaga yung naglalabas ng emosyon. Di naman kabawasan sa pagiging lalaki yon

River

Marami ka pang di nakikilalang lalaki eloisa. Kung kilalang kilala mo tropa ko makikita mo sari saring itsura nila hahaha

Eloisa

Ang alam ko lang mga lalaking nagagandahan sa babae pero di ako sure kung kinikilig sila o may ibang nararamdaman

River

Tingnan mo may mga songwriter na lalaking nagsusulat ng love at sad song. For sure related yon sa experiences nila

Eloisa

Ohh sabagay may point

So tama nga may emosyon sila

River

Tao din naman kami tulad niyo hahaha

Eloisa

Ay oo nga pala kasama ka sa mga lalaki nakalimutan ko HAHAHA

River

Grabe naman po hahahaha

Eloisa

Sorry naman puuu nalimutan ko. Ikaw kasi kausap ko tas perspective nila iniisip ko

Este niyo HAHAHAHA

River

Sige tawa pa hahaha antok ka na yata

Eloisa

Di pa uy. Ang aga pa kaya

River

Can i calculator?

Vc na lang pala. Di tayo makakapagkita bukas kasi may gagawin kami sa break time at uwian

Eloisa

Sige mayamaya may gagawin lang ako

River

Okioki sabihin mo pag pwede na

21:45

Eloisa

Gora na

21:48

Eloisa

River

Gising ka pa?

21:49

River: is calling you...

21:50

The call has started.

22:56

Call ended. (01:05:24)

River

Good night eloisa!

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon