[20]

22 1 7
                                        

Wala pang isang buwan ng pagbabalik niya sa buhay ko, grabe nagulo na agad ang plano ko sa buhay. Hindi siya distraksyon pero alam niyo 'yun, para siyang customer na sumingit sa pila ng mga pangarap ko. Gano'n. Lalo na nung sabi niya sa akin hindi siya manliligaw pero yung pakikitungo niya sa akin mas naging sweet kumpara noong una, nung naging mag-best friend kami. Mas naging caring din siya, hindi na niya ako gaanong inaasar, which is rare.

Bukod pa roon, naramdaman ko ring may iba sa atmosphere namin. Ewan ko kung ako lang pero hindi na gaanong komportable pero hindi rin awkward. Parang in between. Parang may something. Kapag hindi naman kami magkasama, naghahalo siya at ang mismong plano ko. Like, minsan na-i-imagine ko na kapag tapos na ako sa pag-aaral at nand'yan pa siya sa tabi ko, baka magkaroon ng tsansa na baliin ko ang panata kong  maging single hanggang 30's.

Sobrang weird sa pakiramdam lalo na kasi hindi na ako bata. Future na ang naiiisip ko at hindi na present tapos nakakasama siya ro'n kahit ayaw kong tanggapin kasi nakakatakot umasa. Hindi ko naman 'yon naisip nung sa first boyfriend ko kasi puro ako live in the moment noon. Basta, everything went weird and scary when he came back into my life. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung ako pa ba 'to kasi taliwas ang iniisip ko sa gusto kong gawin.

Moving on, tuwing nagkakaroon kami ng oras sa uwian, kasi minsan nag-aaya siya na alam ng pamilya ko, mas marami pa akong nalaman tungkol sa kaniya. Pwede na nga yata akong magsagot ng test o Q&A questions na puro tungkol sa kaniya. Full name? River Jon Estrella Mojico. Oh, ayan sinabi ko na sa inyo. Age? A year older than me. Favorite color? Red. Food? Sushi. Ano pa ba? Tambayan? Bahay with his notebook and pen.

Pati yata hard questions tungkol sa kaniya kaya ko na rin sagutin. At syempre, ganoon din siya sa akin. Marami na rin akong nasabi sa kaniya na hindi ko sinasabi sa iba. Para kaming naging open book but with limitations.

At sa lahat ng secrets niya, may isa akong hindi nalaman kaagad. Not until the month of February.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon