188

29 1 15
                                    

ELOISA

I cried hard.

Pagmulat na pagmulat pa lang ng mga mata ko, tumulo na agad ang mga luha ko. Sobrang bigat sa pakiramdam hanggang sa puntong nanikip ang dibdib ko at nahirapan akong huminga.

Pinukpok ko at dibdib ko gamit ang kaliwang kamay at hinigit ko kumot gamit ang kanan. Paulit-ulit kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa mga mata ko.

Sa bawat segundong lumilipas na naaalala ko ang huling chat sa akin ng kaibigan kong si Angela, parang pinipiga ang puso ko. Napuno ng what-ifs ang isip ko at napuno ako ng pagsisisi dahil sa mga bagay na hindi ko nasabi sa kaniya. Sobrang sakit.

Dahil sa matinding pag-iyak, hindi ko namalayang may pumasok sa kwarto.

"Anong meron at agang-aga umiiyak ka? Ma-la-late ka na sa pagpasok," sambit ni Ate Louise at pumunta sa tabi ng kama ko.

"A-Ate," nanginginig kong sambit sa pagitan ng paghikbi. Kumunot ang noo niya.

"W-Wala na si River..." mabigat na loob kong pahayag. Mahigpit kong hinawakan ang kumot para kumuha ng lakas ng loob pero walang epekto.

"Anong pinagsasasabi mo? Tumigil na agad siya sa panliligaw sa'yo?

"Hindi... s-sabi ni Ange...p-pat--"

"Speaking of River, pinapasabi niyang sagutin mo raw ang chat niya. bukas-bukas din ng messenger kapag may oras ka, ha. Ginagawa niyo pa akong tulay, eh." Nag-make face siya at tumalikod.

"A-Ano?"

"Ano palang iniiyak-iyak mo d'yan?" Humarap ulit siya sa akin at tinuro ang mukha ko.

"P-Patay na raw si R-River."

"Luh? Sa'n mo napulot yan? Kausap ko kaya siya ngayon lang. Kaya nga ako umakyat dito kasi ayaw mo raw sumagot sa tawag niya."

"Ano?" halos pabulong kong sambit. Nabablangko na ang isip ko at hindi ko na alam kung paano mag-react.

"Binangungot ka lang yata."

"S-Seryoso ba, ate? P-Parang totoo..."

"Tingnan mo. Puntahan mo siya sa univ ngayon. Sabi mo sa akin kagabi magkikita kayo sa gazebo ngayon bago magsimula ang klase."

Ibinato niya sa akin ang isang malinis na face towel na nakapatong sa cabinet. "Ayusin mo na ang sarili mo. Pangit mo umiyak," pabiro niyang saad at mahinang tumawa bago lumabas.

Dali-dali kong kinuha ang phone ko sa may bandang unanat binuksan. Tiningnan ko ang messenger ko at hinanap ang huling chatbox.  Si River nga at hindi si Angela. Ilang beses ko pa akong nag-douuble check pero hindi ko talaga makita ang pag-uusap namin ni Angela kanina o kahapon lang. Ang nandito lang ay missed calls ni River sa akin.

It was just a nightmare.

Nanlambot ang tuhod ko at tuluyang tinakasan ng lakas. Natanggal ang bara sa dibdib ko at nakahinga ako nang maluwag. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang gamit ang twalyang inabot ni Ate Louise at mariing pumikit.

Kailangan ko talagang makausap si River.

###

He's here. He's really here!

Napasinghap ako nang makita ang isang naka-school uniform na lalaking nakatayo at nakatalikod sa gazebo. Panaka-naka siyang lumilinga na tila may hinahanap at inaabangan. Tindig pa lang ang kilalang-kilala ko na agad kung sino siya, si River. My River.

Pagdako pa lang ng mga tingin niya sa akin, tumakbo na ako palapit sa kaniya at sumalubong ng yakap. Ibinaon ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko napigilan ang paghagulgol dahil sa magkahalong tuwa at relief. Sigurado akong ramdam niyang basa na ang kanang balikat niya dahil sa mga luha ko pero hinayaan niya lang. Sa halip, niyakap niya ako pabalik at mabagal na hinagod ang likod ko.

"May problema ba, Eloisa?" puno ng pag-aalala niyang tanong. Hindi ako sumagot at nanatiling nakayakap hanggang sa mag-sink in sa akin na nandito kami sa university at totoong siya ang niyayakap ko.

Pagkalipas ng ilang minuto, humiwalay ako sa yakap at suminghot.

Pinunasan ko muna ang mga luha ko gamit ang suot kong university shirt bago bahagyang tumingala sa kaniya. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko ngayon basta ang mahalaga, nalaman kong ligtas siya at kasama ko siya ngayon.

"R-River..." garagal kong sambit. Nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig ang buong katawan ko. Ang makita siya ngayong buhay at walang galos ay parang isang panaginip. Parang mas totoo pa yung bangungungot ko kaninang umaga kaysa ngayon.

Hinawakan ni River ang baba ko at ginalaw-galaw ang mukha ko para kilatisin. "Anong meron? Ba't ka umiiyak? May nanakit ba sa'yo? Asan siya? Susugurin ko!" may halong pagbibiro niyang sambit at f-in-lex ang kanang braso kahit hindi maselan.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Kung alam niya lang na siya ang nanakit sa akin nang 'di niya alam. Akala ko talaga...!

Gamit ang malamig at medyo basa kong kamay, hinawakan ko ang kamay niya. Diretso ko siyang tiningnan sa mga mata, umaasang maiintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. Humugot ako ng malalim na paghinga bago naglakas-loob na nagsalita. "River, nakakatakot mag-commit sa isang relasyon kaya hindi agad ako nakasagot nung nagtanong ka kung pwede kang manligaw..."

Maingat niyang kinalas ang hawak ko at ginulo ang buhok ko. Binigyan niya ako ng isang maaliwalas na ngiti na nagpatunaw ng puso ko. "Gets ko. Naiintindihan kita, Eloisa, kung ayaw mo pa talaga. Dalawang taon na lang naman ang hihintayin bago tayo maka-graduate. Tsaka--"

"Pero mas natatakot akong mawala ka sa tabi ko. Mas natatakot akong magsisi dahil hindi ako sumubok ulit para sa'yo." Suminghap ako at kinagat ang labi. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ang impulsiveness ko ngayon pero pakiramdam ko ito ang kailangan ko. Ang bigyan si River ng assurance na siya lang ang gugustuhin ko.

Natigilan siya sa sinabi ko. Kumurap-kurap siya ng ilang beses at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Anong sabi mo, Eloisa?"

"Pumapayag na akong manligaw ka."

###

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon