Noong nalaman kong ilang araw niya ring iniisip ang iba't ibang mga bagay pagkatapos kong umamin, syempre medyo natuwa ako. Akala ko kasi ako lang ang apektado sa mga sinabi ko at para sa kaniya ay wala lang 'yon. Hindi ko alam na pareho pala kaming hindi makatulog.
Pero dahil pursigido na akong magbagong buhay pagkatapos ng advice sa akin ng kaibigan ko, itinuloy ko ang pag-iwas sa kaniya. Nilibang ko ang sarili ko sa iba't ibang mga bagay. Sa school, nakipagkapwa ako kahit medyo hindi ako sanay. Sa bahay naman, nag-aral akong magluto ng iba't ibang pagkain. Nag-browse din ako nang nag-browse ng psychological facts para pampalipas oras. Naging daily routine ko iyon.
Sabi ko, iyon ang reyalidad na meron ako kaya kailangan ko 'yong tanggapin. Sa halip na umasang na-miss niya ako dahil na-realize niyang gusto niya ako noong hindi ko na siya nakakausap, itinatak ko sa isip kong pang-fairytale lang talaga 'yon.
Pang-fairytale,... fairytale. Kung kailan unti-unti na akong nakakabangon mula sa panaginip, saka pa nangyari ang bagay na inaasahan. Isang pangyayaring mala-fairytale. It's still one of my unforgettable moments during college days.
Kung kailan desididong-desidido na akong umiwas, saka siya ulit nagparamdam. Saka siya ulit nangulit at sinabing gusto niya ulit makipagkaibigan. Hirap na hirap ako no'n, hindi ko alam ang isasagot ko.
At dumating ang isang araw, Valentines day to be exact. Naaalala ko pauwi ako no'n kasama ang tatlong college friends ko. Bago kami makarating sa school gate, nakita ko siyang nakaabang sa may pader. Dahil consistent ako sa pag-iwas, nagpaiwan ako sa mga kaibigan ko at umupo muna ako sa isa sa mga bench sa university. Nag-phone ako, gano'n. Basta kahit anong pampalipas ng oras.
Tapos nung paalis na ako, saka ko napansing nasa kabilang bench pala siya at parang may inaabangan. Nakumpirma kong ako 'yun nung bigla niya akong tinawag. At alam niyo ang tinanong niya sa akin? Kung na-miss ko siya. Bilang isang ma-pride na tao at nagbabagong buhay, malamang hindi ang sinagot ko. That made him shout one thing. "Gusto pa kitang makilala."
I'm like, what does it mean? Bakit niya ako sinabihan ng gano'n? Bakit hindi niya na lang din ako layuan para patas kami? Bakit nangungulit ulit siya kung kailan nagpapaka-independent woman ako? At sinaktuhan pang Valentines day?
Habang papunta ako sa sakayan ng jeep pauwi, bigla kong naramdamang may humawak ng kamay ko. Akala ko kung sino pero nagulat ako nang makitang siya 'yon. Parang aatakihin ako sa puso nung oras na 'yon dahil sa gulat at kaba. At dahil mismo sa kaniya. Tapos may binulong siya sa akin. Ang sabi niya, "matagal ko nang pinag-isipan kung sasabihin ko rin o hindi. Gusto kita." Basta parang ganiyan, tapos binitawan na niya ako at iniwang mag-isa.
Of course, hindi ako naniwala sa sinabi niya. Bukod sa out of the blue iyon, hindi rin talaga kapani-paniwala. Kahit pagbali-baligtarin ang mundo, he's way out of my league. Kung may pinakamataas mang level sa status namin, best friends 'yon at wala ng iba pa. Pero para malinawan kami pareho sa status naming dalawa, nag-chat siya sa akin kinagabihan.
BINABASA MO ANG
I thought it was a Fairy Tale (Part 2)
Teen FictionPart 2 of I thought it was a fairy tale A story about self-love, self-acceptance, and true love. The continuation of Eloisa and River's interactions through chat. What could possibly happen between them? Would those messages lead to her fairy tale-l...
