[16]

19 2 13
                                        

In a short span of time, things happened differently than I expected. That's when I questioned myself. Nasa fairy tale ba ako? Ba't ba ako umaasang may magkakagusto sa akin e ang taba at ang pangit ko naman? Bakit ba ipinagpipilitan ko ang sarili kong matanggap ng ibang tao?

That time akala ko bumida ako sa isang fairy tale. Pinilit ko ang sarili kong gumising kahit hindi ako tulog. Sabi ko imposibleng mangyari 'yon pero nakakagulat kasi nasa reyalidad talaga ako. May nagkakagusto sa akin. Ang malala, yung mismong taong gusto ko pa.

He's in between. Hindi niya lang ako crush that time. Gusto niya ako. Nilinaw niyang hindi niya alam kung bakit niya ako gusto pero mas mababaw pa iyon kumpara sa mismong love.

Pagkatapos ng confession niya, mas naging malapit kami sa isa't isa. Alam ng pamilya ko ang tungkol doon at sinabin nilang maghinay-hinay kami. Syempre sinunod ko dahil hindi lang sa kaniya umiikot ang mundo ko. Nasa college na ako at kailangan kong makatapos sa pag-aaral.

Pero syempre, hindi talaga mawawala na nagiging laman siya ng isip ko kapag hindi ko siya kasama. Pero nung panahong 'yon, hinayaan ko na ang sarili ko. I considered it as a big step. My biggest step before was believing in fairy tale again because of him.

Anong pinagkaiba nila sa unang ex ko?

Yung first ex ko, siya yung first love ko. Alam ng pamilya ko 'yon. Nandoon sila mula noong magkaibigan pa lang kami hanggang sa maghiwalay kami. Andoon sila para sa'kin at nagbigay pa ng sandamakmak na pangaral at payo dahil foreign pa para sa akin ang naramdaman ko noon. Yung unang ex ko,... marami akong natutuhan sa kaniya kaya malaki ang pasasalamat ko. Kahit na nagalit ako sa kaniya at nasaktan nung iniwan niya ako,  mas marami pa rin yung magandang pinagsamahan namin. Siya yung unang nagparamdam sa akin ng kilig, saya (maliban sa pamilya't kaibigan ko), halos lahat ng tungkol sa love at syempre, heartache.

Si ano naman, hmm. Sabihin na lang nating,  "he's the lover I thought I'd never need."

My first ex,... he made me feel that I'm not enough and good enough. Noong una naniwala ako pero sa huli, na-realize kong siya lang pala ang hindi naging kuntento kaya nagsawa. Mas nakita niya yung pagiging imperpekto ko kaysa kagandahan.

Tapos si ano,... pinaramdam niya sa akin na may halaga ako. Na sapat ako. Tinanggap niya ako bilang ako at tinulungan ding mas tanggapin ang sarili ko. Sa lahat ng kapangitan ko sa panloob at panlabas na anyo, mas pinili niyang tingnan ang kabaligtaran. Ang kagandahan kong ako mismo ay hindi ko nakita noon. 'Yon ang pinagpapasalamat ko sa kaniya.

Wala na akong grudge sa first love ko kasi matagal na 'yon at matagal ko na ring tanggap na hindi lahat nagtatagal. Na yung iba, dumadaan lang para magbigay-aral. In fact, malaki rin ang pasasalamat ko sa kaniya pero ayun nga, 'yon ang pinagkaiba nila.

In short, that man wasn't my first fairy tale. But he made me believe in it once again. He made me believe that I can be a queen on my own.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon