River
20:11
Eloisa
River
River
Yes my eloisa?
Eloisa
Potek ayan ka na naman. Kakilabot hahaha
River
Hahahaha bat mo ba kasi ako tinawag
Eloisa
May itatanong lang kasi sana ako
River
Ano? Pabitin ka masyado hahaha
Eloisa
Kasi ano may bagong bukas na gym malapit samin. Gusto sana namin ni ate na maggym
River
And?
Eloisa
What do u think? Ayos lang bang magwork out kami?
River
Nasa sayo yan kung gusto mo talaga o hindi
Eloisa
Gusto naman tinatamad lang ako
Pero try ko sipagin magpapayat para sayo char not char hahaha
River
Para sakin? Bat sa akin?
Eloisa
Ayaw mo ba non ikaw ang inspirasyon sa pagpapayat ko hahaha jk
River
Wag
Para kung sakaling nagkahiwalay tayo, hindi mo maiisip na kulang ka. Yung tipong ginawa mo na ang lahat pero di ka pa rin sapat
Eloisa
Bat ko naman yon iisipin?
River
Kasi mababa self esteem mo? Baka isipin mong di ka pa rin naging sapat kahit pumayat ka na
Kaya magpapayat ka para sa sarili mo at di para sa ibang tao, at mas lalong di para sa akin. para kahit maghiwalay tayo, iisipin mong hindi lang ako marunong makuntento at bulag ako kasi hindi ko nakita ang totoong halaga mo
Eloisa
Di ba parang pareho lang yon?
Para na rin wala nang masabi ang ibang tao sa atin
River
Nope magkaiba yun. di mo makikita ang totoo mong halaga mo kung sa repleksyon ng ibang tao ka titingin
Di ko sinasabi to dahil may balak akong hiwalayan ka (kahit di talaga tayo haha) pero sabi ko nga kasama ka sa future ko at hanggat kaya kakapit tayo hahaha
Eloisa
So di na ako magpapapayat?
River
Ikaw bahala, choice mo yan haha
Eloisa
Ehhh help meee di ko alam kung anong uunahin kong baguhin sa sarili ko. Medyo marunong na akong magmakeup at magluto pero parang di pa sapat
River
Alam mo kung may dapat na ayusin o baguhin sayo, self esteem mo yun
Nasan na yung dating eloisa na malayang ginagawa ang gusto niya dahil walang pake sa tingin ng iba?
Eloisa
Dati lang yon nung single na single pa ako hahaha im maturing na lol
River
Noon nga na ganon ka nagustuhan kita, ngayon pa kaya na mas nagmature na rin ako
Kung gusto mo magpapayat e di ayos. Pero kung gusto mong magluto ng pagkain at kumain, ayos lang din. Basta maging totoo ka sa sarili mo suportado kita eloisa
Eloisa
Grabe sobrang mature mo mag isip di ko mareach
Pero thank u as always
River
Hahaha welcome my eloisa
Sabihin mo naman "my river"
Eloisa
Bwiset ang lakas mo mang asar hahaha
River
Malay mo sabihin mo yon hahahaha
BINABASA MO ANG
I thought it was a Fairy Tale (Part 2)
Teen FictionPart 2 of I thought it was a fairy tale A story about self-love, self-acceptance, and true love. The continuation of Eloisa and River's interactions through chat. What could possibly happen between them? Would those messages lead to her fairy tale-l...
