117

5 0 0
                                        

FEB 19

River

Sat 18:58

River

Sino pinapatamaan mo sa tweet mo?

Eloisa

Just someone from my past

Wow english hahahha

River

Hulaan ko

Ex mo?

Eloisa

Yep

River

Nagparamdam ulit siya sayo?

Eloisa

Actually nagkita kami recently. Coincidence lang

River

Ahh ano naramdaman mo?

Eloisa

Believe it or not wala hahaha

Nagulat lang ako na nandoon din siya sa pinuntahan ko

River

Nakita ka?

Eloisa

Oo. Siya nga yung biglang tumawag sakin. Di ko namalayan nasa tabi ko na pala

River

Bati na kayo?

Eloisa

Siguro? Hahaha basta di ko naalala yung mga salitang binitawan ko noon nung nakita ko siya. Neutral na lang tapos parang ang gaan sa loob. Nakalimutan ko pag aaway namin at lahat ng sama ng loob ko

Medyo namiss ko nga since bestfriend ko naman siya noon

River

Anong ginawa niyo? Nagkamustahan kayo?

Eloisa

wala kasi kinukuha ko lang bag ko kasi paalis na ako. Bigla lang siyang nakipag apir sakin tas tinanggap ko unconsciously hahahaha

River

Ahh

Eloisa

ikaw? Wala ka pang ex no?

River

Wala

Eloisa

So wala ka pang alam sa mga ganito

River

Syempre meron na. Di naman ako ganon kainosente hahaha

Eloisa

Gesi ikaw naman magkwento tungkol sa "past" mo

River

May first love din ako

Eloisa

Ohh musta siya?

I mean both of you

River

Di ko na siya nakikita

Eloisa

FO na kayo?

River

Hindi kami naging magkaibigan hahaha

Eloisa

Oh? E ano lang?

Nalove at first ka?

River

Parang ganon na nga. Di kami nag uusap pero madalas kaming magkasama

Eloisa

Higher year ba?

River

Hindi. Batchmate natin pero sa ibang school

Eloisa

pano kayo nagkakilala?

River

Kaibigan siya ng kaibigan ko. Tuwing nagkakakaayan ang barkada lagi siyang sumasama kaya ayun nagkakilala kami

Eloisa

Ang astiggg

Fate talagang magkakilala kayo at maging first love mo

River

Weird pakinggan but yes, i think so too

Eloisa

Alam niya ba na siya first love mo?

River

Di ko alam pero ang alam ko nabanggit ng tropa ko sa kaniya. Di ko lang alam kung naniwala siya

Eloisa

Napakadaldal talaga ng tropa mo hahaha

River

Iba yung tinutukoy kong tropa ah. Sa dati kong school hahaha madadaldal talaga tropa ko at mahilig mambuko

Eloisa

Hinahayaan mo lang?

River

Oo kasi alam nilang di ako pumapatol sa babae kahit pa malaman nila yung feelings ko

Eloisa

Naks feelings hahahha

Pero ayaw mo ba yung ikaw yung mismong magsabi? Parang ang hirap naman kapag manggagaling sa iba tapos di mo icoconfirm

River

Wala rin namang saysay kahit sabihin ko

Eloisa

Sabi mo nga ayaw mo sa relasyon

Pero para sakin kasi at least once gusto ko masabi feelings ko para pag nagkahiwalay, wala na akong excess baggage at di ako magsisi dahil di ko nasabi (kahit wala talaga akong dapat pagsisihan kasi wala namang papatol sakin) Ang weird no? hahahahaha

Kaya abangan mo these days. Few months na lang bago matapos ang shs

Malay mo maglakas loob din ako hahahaha

River

Saan?

Eloisa

Hahahaha wala nevermind

River

Anong aabangan ko?

Eloisa

Waleyyy haha

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon