[11]

4 0 0
                                    

Exactly after Valentine's day during Senior High School, he started talking to me in person. Parang nawala ang mataas na pader na naghihiwalay sa aming dalawa. Dahil napapadalas ang pag-aaya niya sa akin kasama ang tropa niya, minsan naiisip kong girlfriend ako na in-introduce sa mga kaibigan niya kahit na ang totoo ay kaklase ko silang lahat st normal na na makipagkwentuhan at makipagkulitan sa kanila.

Madalas akong nagkakaroon ng oras para kausapin siya kapag hinahatak ng iba pa naming kaklase ang kaibigan ko. Noong una medyo awkward pa at hindi ko alam ang gagawin dahil pinangungunahan ako ng kaba pero pinili kong magpakatatag. Pinili kong umayos para masulit ko ang mga araw na kasama siya noong Senior high school.

"Chance ko na 'to," sa isip-isip ko. Wala akong ibang balak, ah. Gusto ko lang talagang makasama siya. Of course, may consequences ang daang tinahak ko. And'yan ang pang-aasar ng mga trop niya, pagdududa ng mga kapatid ko dahil baka may namamagitan sa aming dalawa na hindi nila alam, at ang pagtatampuhan namin ng nag-iisa kong kaibigan sa klase. Yep, nagkatampuhan kami ng kaibigan ko dahil sa kaniya.

At siguro ang bagay na pinagsisihan ko noon, na hindi ko na pinagsisisihan ngayon, ay kung bakit saka lang kami naging close noong patapos na ang school year at kung kailan malapit na kaming mag-kolehiyo, ang stage kung saan mas priyoridad na ang pag-aaral para sa kinabukasan kaysa pansamantalang kasiyahan.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon