[17]

18 1 5
                                    

Actually, I can't remember everything in details during the First to Second year college. I only know that it was almost pure happiness. Kahit na minsan nakakatanggap ako ng pam-ba-bash kasi nga sabi ng iba hindi kami bagay, dedma lang. Hindi ko sila pinapansin kahit minsan malapit na akong maniwala.

Ang ilan siguro sa pinakanaalala ko nung mga panahong 'yon ay yung affection na ibinibigay niya sa akin. Halos araw-araw o linggo-linggo, nagbibigay siya ng letter sa'kin, maikli man o mahaba. Lagi niyang sinasabi ro'n at ipinapaalala sa akin kung gaano ako kaganda. At kung gaano sa tingin niya na ako na ang para sa kaniya. Ang right one. Na kahit anong mangyari basta walang third party o pagsasawang nagaganap, ilalaban niya ako. Kami.

Imposibleng binibigyan niya ako ng letter? Hindi naman. Love language and ganoon siguro talaga kapag gusto o mahal mo ang isang tao. Minsan nagagawa at naiisip mo ang mga bagay na hindi sumasagi sa isip mo noon.

Aminado akong go with the flow talaga akong tao at matatanggap ko kung sakaling hindi kami para sa isa't isa. Pero lagi niya rin sinasabi na wala akong dapat ikabahala dahil kasama ako sa iniisip niya para sa future niya. Kaya naman para maging fair, nag-isip ako ng ibang paraan.

I thought that the best thing I can do for him and to be worthy of is love, I have to improve myself. Naisip kong magpapayat para sa kaniya. Pero sabi niya, hindi raw tama 'yon. Kailangan ko raw 'yong gawin para sa sarili ko. Which is, tama naman. Noon, hindi ko agad na-gets pero ngayon, oo, tama talaga siya.

Kailan ulit siya tumigilsa pagbibigay ng letter? During the second year college, when everything became a bit complicated.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon