FEB 18
River
Sun 19:56
Eloisa
Kahit saang anggulo ko tingnan di talaga ako makapaniwalang may gusto ka sakin
River
Kaya ba di ka sumipot sa meeting place natin nung isang araw? Di pa rin kita nakikita maski isang beses. Pinagtataguan mo ba ako?
Eloisa
Busy ako non
River
Ah okok sabi mo eh. Pero sayang naghintay pa naman ako kasi akala ko darating ka at malelate lang ng onti
Eloisa
Nanunumbat ka ba?
River
Hindi po master hahahaha
Kidding aside, bat di ka makapaniwala? Sa lahat naman siguro ng tao sa mundo meron talagang nagkakagusto kahit kanino, isa man yan o tatlo o buong bayan
At sayo, ako lang hahahaha joke malay mo may iba pa dyan pero wala lang ding lakas ng loob na umamin
Eloisa
Kung gusto mo talaga ako, paano? imposible yatang wala kang rason para maattract sakin (kung meron mang kaakit-akit sakin lol)
River
Wala talagang rason eloisa. Di ko rin alam kung bakit
Wait
Siguro kung meron man, yun yung totoo ka sa sarili mo. Doon yata kita unang napansin
Eloisa
Yata?
River
di ako sure hahaaha basta nagising nalang ako isang araw na iba na ang tingin ko sayo at lagi na kitang napapansin
Hindi ka nagpapanggap at nagpapaimpress sa mga tao para lang magustuhan ka nila
Di ka plastik
Eloisa
So papel ako? Char hahahaha
Paano mo nalamang di ako plastik e di naman tayo nag uusap noon
River
Matagal na kitang napapansin di mo lang alam. Minsan tawa ka lang nang tawa sa isang tabi kasama si angela. May sarili kayong mundo kaya di mo namamalayan na may nahuhulog na pala sa ngiti at tawa mo
✓seen 20:04
20:07
River
Di ka pa rin ba makapaniwala? Ilang ebidensya pa kailangan mo? Hahahaha
BINABASA MO ANG
I thought it was a Fairy Tale (Part 2)
Teen FictionPart 2 of I thought it was a fairy tale A story about self-love, self-acceptance, and true love. The continuation of Eloisa and River's interactions through chat. What could possibly happen between them? Would those messages lead to her fairy tale-l...
