College days... especially first year college, naging close kami ni River nang kaming dalawa lang. Ang dating paghanga kong unti-unting nawala dala ng tagal ng panahon ay nanumbalik. At sa pagkakataong ito, mas lumakas na. Lalo na nung mas nakilala ko siya bilang siya, hindi bilang siya na akala kong may gusto sa akin.
Sa pagdaan ng mga araw at buwan, ang dating simpleng paghanga ay lalong lumalim. Habang tumatagal kasi ay mas nakikilala ko siya. Siguro kasi komportable na kami sa isa't isa. Ang malala pa, kahit bad side niya na ipinapakita niya sa akin ay natatanggap ko na. Maloko siya, makulit, at may pagkatamad. Madalas din kaming hindi magkasundo pero ayos lang, masaya naman akong kasama siya.
Oo, dumaan din ako sa phase ng pagseselos sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Ano ba namang laban ko sa kanila that time, 'di ba? Maganda sila, sexy. 'Yon yung una kong naisip. Pero habang tumatagal, naiwaksi ko 'yon sa isip ko. Pero hindi nawala sa isip ko na sana ako na lang sila, but in a different version. Gusto kong maging siya sa paraang tanggap niya.
Hindi ko kilala sa personal yung mga babae pero nung mga oras na 'yon, hiniling ko na sana ako na lang sila para lagi siyang tumatawa at halatang masaya. Tuwing kasama niya ang kahit na sino sa kanila, nakakalimutan kong nakakasama rin pala niya ako at tumatawa rin siya dahil sa akin.
Insecurities and jealousy. 'Yan ang dahilan kung bakit mas pinili kong mag-focus sa kanila kaysa sarili ko. Napapansin ko ang kagandahan nila, loob at labas, at ang mga tagumpay na nakakamit nila, tulad ng pagkapanalo sa journalism contest, pagsali sa org at iba pa. Wala 'yong kinalaman sa akin pero pakiramdam ko talo ako.
That time of college days sucks. As in, sobrang bumaba yung confidence at self-esteem ko dahil sa mga tao, especially kababaihan, na nakikita ko. Sa kabutihang palad, hindi 'yon nagtagal. Bakit? May isang taong naging dahilan para mahalin ko ulit ang sarili ko. Para malaman ko ang sarili kong halaga. 'Yon ang pinagpapasalamat ko hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
I thought it was a Fairy Tale (Part 2)
Teen FictionPart 2 of I thought it was a fairy tale A story about self-love, self-acceptance, and true love. The continuation of Eloisa and River's interactions through chat. What could possibly happen between them? Would those messages lead to her fairy tale-l...
