95

5 0 0
                                    

DEC 03

12STEM02 kalatz
(39 members)

Fri 18:14

Trina

Pinapatanong ni maam kung gusto niyo pa ba mag xmas party this december

Di na daw kasi required yung party ngayon since shs na tayo

Josefina

Ay weh? Bat daw

Derrick

mga gurang na kasi tayo

Josefina

Pasmado naman po ng bibig mo

Derrick

Totoo naman

Josefina

Di mo na kelangan sabihin. Knows na namin huhu gusto ko bumalik sa pagkabata

Derrick

Para mag aral ulit ng basic tas sa matagal na panahon? No tnx

Josefina

Except don want ko na makagraduate hahaha

Gusto ko lang yung feeling ng walang problema sa world bukod sa crush

Icy

Crush? Normal ba yong problema ng mga bata?

Josefina

Ako dati oo. Bata ako nagkakacrush kaso lumipat na sya sa singapore noon pa hahaha

Icy

Kaya naman pala crush lang pinoproblema mo. Kung underprivileged ka nung bata tingin ko di mo gugustuhing bumalik doon

Trina

Ano gusto niyo ba? Dali isasagot ko na kay maam

Kailangan pa natin pag usapan yun pagkatapos

Josefina

Want kooo xmas party. At @Icy gets kita sorry if insensitive ako

Icy

No. Sinasabi ko lang point ko

Josefina

Ah oki hehe

Derrick

Usto ko din basta may pagkain HAHA

Jerry

Gago kanya kanya pagkain natin derrick

Josefina

Truu baka potluck?

Derrick

Ano yun

Josefina

Food to share

Tonita

1 vote for me!! Gusto ko din ng party bago grumaduate ng shs hahaha

Icy

Pres for me di na kailangan ng party, ewan ko lang sa kanila. Basta ako kung matuloy man baka di ako makaattend

Trina

Sure ka @Icy?

No worries di required ang attendance. Di pa rin sure kung matutuloy yun kasi depende pa sa majority

Joy

Ano ba gagawin natin don?

Juan

Kakanta ng joy to the world

Joy

Hahahaha

Trina

Exchange gift or whatever. You decide

Josefina

Video chat kaya tayo para makapag usap nang maayos? Kung sino lang available ngayon

Trina

Or mamayang 7 PM para mabasa pa ng iba

Join kayo mamaya magsesend ako ng link

or dito na lang sa messenger

Josefina

👍👍

Tonita

Owkay presss

19:03

Trina started a video chat.

19:09

Trina and 9 others joined the video chat.

19:37

Call ended. (00:34:19)

20:11

River

Hala di ako nakajoin. Anong ginawa niyo?

Tonita

Halos nagchikahan lang kami tol hahahaha

River

Sige sige akala ko kung ano na

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon