140

6 0 0
                                        

December 10
At nangyari na nga. Natuloy ang lagnat ko. Halos isang linggo akong hindi pumasok. Maski si ate nahawaan ko pa ayan tuloy absent siya sa trabaho niya.

At sa totoo lang iniwasan ko talagang mag-phone habang may sakit ako para gumaling ako agad. Iniwasan kong maghanap ng psychological facts tungkol sa sakit at kung anu-anong mga bagay na related sa genuine love since trending ang topic na iyon ngayon. Habang nakahiga lang ako sa kama kung saan-saan dumadako ang isip ko kaya lalo akong napapagod. Pero naiisip ko ring worth it palang mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay minsan. Feeling ko tumatalino ako at mas nag-ma-mature.

Pagkabukas ko ng phone para sanatingnan ang oras, bumungad sa akin ang messages ni Hans. 'Di ko pa binabasa hanggang ngayon kasi iniiwasan ko rin. Yep, iiwasan ko na siya mula ngayon. Ang sakit na kasi sa puso. Haha. Ayoko nang magkasakit, pisikal at emosyonal. Prevention is better than cure, ika nga nila. Pero dahil may kaunting bait pa ako, alang-alang sa pinagsamahan namin, babasahin ko pa rin at mag-re-reply pa rin ako sa kaniya. Hindi ko lang alamkung hanggang kailan.

Ewan ko kung kailangan kong gawin ang pag-iwas pero mula no'ng nabalitaan ko ang breakup ng idols ko nawalan na ako ng gana. Naniniwala pa rin ako sa true love pero sa akin mismo, wala na. Nawala na ang katiting na pag-asang may tatanggap sa akin. Lalo na't nagsimula ang idols ko sa pagiging best friends. Alam nila ang flaws at strengths ng isa't isa pero hindi pa rin nag-work. Paano pa kaya sa akin na mas lamang ang imperfections. 'Di ko minamaliit ang sarili ko, sinasabi ko lang kung ano ang totoo.

Si Hans... 'di ko sinasabing may chance na ma-develop siya sa akin pero natatakot ako na hindi na ako makaahon sa one-sided love. Na baka sa susunod na mga buwan o taon hindi na ako masaya sa status namin bilang magkaibigan. It might sound selfish but as much as possible I don't want to be friends with him anymore. Ayoko nang magkaroon ng batong ipupukpok sa ulo ko.

December 19
Pumasok na ako nung last Monday pa. Isang linggo pa lang ang nakalipas buhat noong iwasan ko si Hans pero pakiramdam ko ilang taon na. Miss ko na agad siya. Potchi, ang rupok ko talaga. Palibhasa nasanay na akong makasama at makakulitan siya lagi.

Hindi pa ulit ako nagt-tweet kasi baka makipag-chikahan siya tungkol doon. Hindi na rin ako gumagala tuwing vacant at lagi lang akong tulog sa isang sulok para hindi maistorbo. Nagpapaka-busy ako sa pag-aaral kahit na wala talagang dapat aralin. Ayoko lang kasi talaga siyang maisip. Lagi kong iniisip na kailangan ko nang itigil ang kahibangan ko. Kahit kasi hindi ko aminin, dahil madalas kaming magkasama, umaasa na ako na may something na.

Minsan pa nga naiisip kong mag-take ng risk na magtiwala nang buo dahil sa kaniya. Ewan ko ba, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Parang hindi na ako 'to. Hindi ko namalayang nababali ang mantra na binuo ko para sa sarili ko para hindi ako masaktan ng kahit na sinong lalaki.

Ngayong araw, hindi ko alam kung napapansin niya ang pag-iwas ko pero tatlong beses may parte sa aking nalulungkot dahil masaya siya kahit wala ako. Nalulungkot ako kasi tama ang hula ko. Sabi na nga ba hindi niya talaga ako kailangan para maging masaya.

From that moment, na-realize ko na kung kaya niyang gawin 'yon, dapat kaya ko rin. Dapat ko nang ibalik ang dating ako, yung mga panahong hindi na ako naniniwalang may nakaka-appreciate sa akin. Yung panahon pagkatapos ng matinding heartbreak ko mula sa ex-boyfriend/ex-bestfriend ko. Mas masaya noon, mas protektado ang puso ko. Tama. Mas maganda na 'yon para hindi magkaroon ng tsansang matulad ako sa iniidolo ko.

Dahan-dahan, malilimutan ko rin siya. At kapag nangyari 'yon, paniguradong mawawala na rin 'tong journal na ito.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon