[14]

23 2 8
                                    

The radio show goes on after commercial break...

Two days before the Christmas day, way back college days, was one of the most embarassing moment in my life. Hindi ko akalaing mafudulas ako. Wala sa plano kong umamin sa kaniya. Heck, ang plano koang maka-graduate nang matiwasay kaya pinili kong iwasan siya. But yep, I guess that's fate. Kung hindi nangyari ang pag-amin ko, malamang hindi rin mangyayari ang mga bagay na nangyari ngayon sa akin, sa amin.

Pagbalik o sa bahay nung umagang 'yon, napansin agad ng mga kapatid ko ang mood ko. Para raw akong pinagsakluban ng langit at lupa e pinabili lang naman ako ng tinapay.

Honestly speaking, laking pasasalamat ko na may pamilya ako para gumabay sa'kin. Nagpapasalamat ako kasi alam nila kung may problema ako base na rin sa itsura at mood ko.

Tanda ko nung nalaman ni kuya na silent treatment ang sinagot sa akin ni ano, sabi niya 'wag na ako umasa. Sina mama naman, pinaalalahanan akong crucial stage ng pag-aaral ang kolehiyo kaya kailangan kong umayos at mag-concentrate. Hangga't maaari raw ay saka na ang lovelife. Pwede naman daw basta inspirasyon lang at hindi distraksyon. Tapos si ate, sa kaniya ko talaga halos kinukwento lahat dahil pareho kaming babae. Wala naman siyang gaanong sinasabi bukod sa mag-ingat ako at 'wag magpadalos-dalos.

Nakarating sa ibang mga kapitbahay yung pag-amin ko. May ilan akong naririnig na fake news at sinabing basted daw ako. Siguro kasi hindi na ulit nila nakita si ano. Meron ding nagsasabing hindi kami bagay kasi parang kawawa raw siya kapag date  dahil ako pa ang mukhang mas malakas kumain. Gusto ko sanang patulan at sabihing pumayat na ako at hindi ako binasted pero hinayaan ko na lang. Wala naman akong ibang matinong magagawa bukod sa hayaan na lang malaos ang isyu.

What happened days after my unexpected confession? Actually... I kinda lost hope. At kahit na sinasabi ko sa sarili ko at sa ibang tao na wala na akong pakialam sa kaniya, hindi pa rin naiwasang mahalata nilang meron.

What happened between me and him? He didm't chat for days. Hindi niya ako binati nung Pasko pati New Year, which is rare but as expected.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon