112

5 0 0
                                        

FEB 13

12STEM02 kalatz
(39 members)

Sun 20:04

Marife

Ano ganap bukas???

Daliah

Oo nga valentines na pala wala pang nag aannounce

Trina

Reg class bukas. Kayo na bahala kung may pakulo kayo para sa bf/gf kung ano basta mag uniform kayo bukas. Wala ring mag iiwan ng bag sa bahay dahil may klase tayo

Daliah

Ngiiii seryoso? Walang valentines party?

Trina

Wala. May magpeperform lang sa stage na banda tapos sayaw. Idk the full details. Di kami informed kasi di tayo kasali sa event

Daliah

Ang corny naman. May paevent sa school pero regular class. Sinong aattend don?

Tuwing break lang pwede?

Trina

Junior high lang daw yata yung kasali sa event

Daliah

Awwww

Marife

Petition for valentines party!!

Joy

Aanhin mo ba yon marife? Hahahaha

Marife

I live for no classes 😩😩

Joy

Bawi ka nalang next life kung no classes ikinabubuhay mo HAHAHA

Rex

May klase pala. Yain na date nalang kami ng bebe ko after class

Jerald

Bulletin board ba to tol at kelangan mo pang iannounce

Rex

Painggit lang

Josefina

Walang naiinggit pre, nasusura pa nga kami

Rex

haters

Icy

Mga pda dyan, mag hunos dili kayo bukas. Public area ang school kaya maghinay hinay kayo. Maraming nakakakita sa ginagawa nyo

Derrick

Edi magtatago ako para safe 😎

Rex

Basag trip ka talaga icy. Para holding hands lang ehh

Icy

Ayos lang basta hindi basag rules

Rex

Good boy po ako. Di ako lumalabag sa rules

Icy

Nakita nga kitang nanigarilyo sa likod ng school. Pasalamat ka di kita sinumbong kasi isang beses pa lang. Pero kapag

Rex

Nakita mo pala yon hahaha

Nagtry lng ako pero di na umulit

Lara

Sino gusto gumala bukas? Gagala kamiiiii

Jerald

Baka gusto nyo by couple na gala. Cguruhin nyo lang na bagay kayo di ba @Eloisa

Jerry

Minention ko na naman si eloisa. Nanahimik yung tao ginugulo mo

Jerald

Sya unang lumabas sa @ ko

@Eloisa kapitbahay sasama ka?

Eloisa

Saan?

Jerald

Sm kmi bukas

Derrick

Akala ko ba by couple? Single naman yan bat isasama nyo yan?

Eloisa

Ano bang problema lo sakin derrick? Di naman kita inaano nagpapapansin ka

Derrick

Panget mo kasi kainis

Eloisa

Luhh

May ayos naman yon kaysa may pangit na ugaling tulad mo

Jerry

Wag niyo na pansinin si derrick. Pag pinapansin yan lalong nanggigigil

Kulang sa pansin. Inaasar din niya sina tonita at lara pati iba pa. Weak puro babae lang kaya

Derrick

Talaga tol??

Jerry

Baata gala yayo bukas. Magsabi nalang kung sinong mga gustong sumama

Derrick

EDIWOW

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon