[12]

6 0 0
                                        

A day after graduation in Senior High School, kumain kami sa labas kasama ng tropa niya na naging kaibigan ko na rin. Masaya naman... kasi nag-food trip kami. Haha. Pero kinagabihan, na-stress ako. Bakit? Kasi that time, umamin ako sa kaniya. Alam ko kasing lilipat na siya ng school sa college at ako doon pa rin.

At anong mahirap sa pag-amin sa "kaibigan" mo? Awkward. Ang kinaibahan nila ng ex ko, yung ex ko ang unang umamin noon sa akin kahit na matagal na rin akong may gusto. Samantalang sa kaniya, ako ang naglakas-loob. Sobra akong na-stress no'n kadi hirap na nga akong umamin, nagtanong pa kung anong gagawin sa bagay na 'yon. Kung ano raw ang balak ko sa aming dalawa. Potchi, gabing-gabi nasa hotseat ako. Ang awkward. Maski nung sinabi niyang magkaibigan pa rin kami na-awkward-an ako.

Noong sumagot siya sa pag-amin ko, na-realize kong dalawa lang ang pagpipilian kung bakit niya ako ni-"reject". It's either mahal niya ako o hindi. Which is I'm sure he didn't. Pero hindi ibig sabihin no'n na nagsisi akong ni-reto ako ng kaibigan ko sa kaniya.

Kung papipiliin ako, 'di ko babaguhin ang alaalang 'yon. After the confession, naramdamang kong wala talaga siyang gusto sa akin. At noong una ay na-confuse lang din ako sa feelings ko kasi akala ko gusto niya ako. Kasi sa unang pagkakataon ay may naka-appreciate ulit sa akin.

Tanggap ko naman dapat talaga na wala siyang gusto sa'kin... na wala talagang nagkakagusto sa akin. Hindi ko sinisisi ang kaibigan ko pero aminado akong nasaktan ako dahil sa false hope.
Pero ayos lang din, sinabi ko sa sarili kong lilipas din ito.

But the thing is... imbes na mawala ay lalo pang lumala ang feelings ko habang lumilipas ang mga araw na hindi ko na siya kasama. Na kahit natanto ko na sa sarili ko na hindi niya ako gusto, nagpatuloy pa rin ang puso kong gustuhin siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kahit na alam kong hindi ma-re-reciprocate ang feelings ko. Corny, but that's the truth. Sabi nga nila, "absence makes the heart grow fonder." Gano'n ang nangyari sa akin noon. Lalo ko siyang na-miss.

Friends. Ayan ang sabi niyang status namin kasi ang alam niya noon ay crush ko lang siya. Ayos lang sa akin, wala rin naman akong balak pumatol sa kaniya kapag nagkataon. Gusto ko lang talagang alisin kahit papaano ang bigat sa dibdib ko kaya ako umamin. Pero ang ironic kasi ilang linggo matapos ang graduation, 'di na siya nag-re-reply sa tweets ko. Maraming beses akong nag-tweets tungkol sa random facts, psychology, at iba pa. Minsan pa nga dalawang beses akong nag-t-tweet sa isang araw sa pagbabaka-sakaling magiging interesado siya pero hindi. Parang naging estranghero na ulit kami sa isa't isa.

Medyo masakit sa akin na sinabi niyang magkaibigan pa rin kami pero hindi na siya nagpaparamdam sa akin. But yep, natuto akong tanggapin kasi gano'n talaga ang buhay. May dumarating at may nawawala.

Days turned into weeks. And weeks turned into months. We fully lost communication, and that's completely fine to me. Wala pa akong nahahanap na iba pero handa na akong kalimutan siya.

Then, 6 months later... in my first year in college, fate played once again. It's like a fairytale because it seemed too good to be true, but it really happened in my life.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon