[10]

7 0 0
                                        

Tandang-tanda ko, Christmas hanggang New Year nung Senior High naniwala akong may something na sa amin. I can't figure it out before pero nagkaroon ako ng ideya nung sinabi niya sa aking wala siyang gusto kay ano. I mean, hindi required na linawin niya ang isyu sa pagitan nila pero ginawa niya kaya lalo akong umasa.

Bago pala 'yon, matagal ko nang itinatak sa sarili ko na walang makakatanggap sa akin at sa kung sino ako. Ex ko nga nagsawa sa akin, yung ibang tao pa kaya na hindi ko kaibigan.

Unexpectedly, he greeted me that Christmas and New Year. Hindi kami close sa personal pero binati niya ako. I felt special that time. Lalo na nung 'di siya nag-chat sa gc pero nag-chat siya sa akin. Lalo na nung ilang beses niya akong ni-lift up at ipinaramdam sa akin na sapat na ako. Na dapat mahalin ko ang sarili ko. Bukod sa kaibigan ko at sa mismong pamilya ko, siya yung unang nagsabi sa akin noon. Except pala sa ex-boyfriend slash ex-best friend ko. Sinabi niya rin noon na maganda ako pero sa huli, nagsawa sa akin.

Kaya sinabi ko talaga sa sarili ko noon na hindi na ako dapat umasang may maka-appreciate sa akin at sa kung sino talaga ako dahil sa fairytale lang nangyayari 'yon. Marami akong na-witness noon na iniiwan at ipinagpapalit ang magandang babae sa iba so paano pa kaya ako na mukhang basahan at may gasul na katawan.

But that man... he made me believe that once more, someone accepts me for who I am. Kahit na nilinaw niyang wala siyang balak na pumasok sa isang relasyon dahil sa "quirkyalone" thing, hinayaan ko ang sarili kong magustuhan siya.

Pero syempre, denial pa rin ako sa kaibigan ko matapos nung nahuli namin siyang tinawanan ako at nakatitig sa'kin. Ayokong malaman ng kaibigan ko na naniniwala na ako sa dahil takot akong magkamali. Natakot akong magkaroon ng "false hope" at kaawaan sa oras na malaman ko 'yon. Yep, the feeling of him liking me was strong. Nasa signs kasi na mabilis matawa ang lalaki sa babae kapag may gusto siya at noong sinabi ng kaibigan ko ang tungkol doon, naalala ko kung paano tumawa si ano sa chat kahit corny ang jokes at kahit 'di ako nagbibiro.

Because of him, his sincerity, and his words and actions, I found hope after a few years of being broken. He made me believe in fairy tales again.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon