185

26 1 11
                                        

February 14

Hindi natuloy ang pagkain namin sa labas kahapon, Valentines day. Bukod sa pareho kaming may pasok at 1PM-3PM lang ang vacant, siya mismo nag-cancel no'n. Noong una hindi ko alam kung bakit kaya nainis ako. Ang tagal-tagal kong pinag-isipan kung sasama ako o hindi tapos bigla niyang i-ca-cancel kung kailan sabado na. Pero kinagabihan, kanina nag-chat ulit siya sa akin.

 Pero kinagabihan, kanina nag-chat ulit siya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

February 15

Hindi ko alam kung nag-pla-playing safe ako o nagpapabebe lang o feeling maganda. Hindi ko pa sinasagot ang tanong niya hanggang ngayon. Nagpaalam siyang direkta sa mga magulang ko kung pwede siyang manligaw. Paano? Kasama namin sila kaninang kumain sa isang restaurant (libre niya since siya ang nag-insist. Pero yung mga magulang ko hindi pumayag na magpalibre, saka na raw kapag may trabaho na kami).

Sinundo niya kami before lunch gamit ang sasakyan ng papa niya. Bago pa man kami makaalis, nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Ate Louise sa may gate, lakas mang-asar. Si Kuya Lorence naman 'di ko alam ang nasa isip. Nakatitig lang siya sa amin at seryoso ang itsura. Paniguradong kinilatis niya si River pero 'di niya sinabi kung ano ang nasa isip niya hanggang ngayon. 'Di ko pa siya gaanong nakakausap.

Chaperone. First time kong magka-chaperone sa isang date/ friendly date. Noon kasi, dalawa o tatlong beses lang kami nakakain sa labas ng first ex ko kasi madalas sa school lang kami magkasama. Pero nagpapaalam ako bago lumabas, 'di tulad ngayon. Si River mismo ang nagpaalam kina mama kaya nauna pa silang nakaalam na kakain kami sa labas.

Aminado akong medyo weird sa pakiramdam magkaroon ng bantay. Feeling ko guilty ako kahit wala kaming ginagawang masama, kahit nagkukwentuhan lang kami habang kumakain ng tanghalian.

Nasa ibang lamesa sina mama at papa pero parang tumatagos sa kaluluwa ko ang tingin nila sa amin. Bantay-sarado sila sa bawat galaw ko. 'Di ko tuloy alam kung matatawa ako o mahihiya. Samantalang si River, chill lang. Ginagawa niya lang ang madalas niyang ginagawa, ang makipagdaldalan at kulitin ako.

Sa totoo lang, pagkatapos ng ginawa niya, lalo ko siyang hinangaan. Kahit na quirkyalone siya, nagawa niya pa ring umalis sa comfort zone niya. Masyado siyang naging matapang hanggang sa puntong siya mismo ang nagtanong kina mama kung pwede akong ligawan. Sana ganoon din ako katapang. Sana magawa kong um-oo nang walang kinatatakutang balang araw ay pagsasawaan niya rin ako.

Kung ito ang fate ko, namin, sana malaman ko ang dapat kong gawin para hindi ako magsisi. Sana.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon