[21]

29 1 13
                                    

Present...

After the nightmare, nakipagkita ako kay River. Doon ko nakumpirmang masamang panaginip lang talaga ang lahat. Doon ko rin natantong handa na akong sumugal para sa kaniya. You know the "Like i'm gonna lose you" song vibes? Ganoon ang naramdaman ko during that time. Noong nagkita kami, pumayag agad akong manligaw siya. Alam kong may pagka-impulsive pero thank God, wala akong pinagsisisihan ngayon. Kinaya ko ang lahat ng pagsubok na dumaan, eh, kasama man siya o hindi.

We graduated together. Who says we can't grow when we're together? Merong nagsasabi sa paligid pero hinayaan lang namin. May kani-kaniya kaming pangarap at isa-isa namin 'yong tinupad kahit wala kami lagi sa tabi ng isa't isa. Sapat na sa amin ang moral support para magpatuloy.

What about the plot twist?

Laging sinasabi sa akin ni River ang biggest plot twist ng buhay niya ay yung nakasalubong niya ang parents ko sa hindi inaasahang pagkakataon. Doon daw kasi siya nagkaroon ng pagkakataong mapalapit ulit sa akin. Ako naman, ang ilan sa plot twist ko ay yung pagsasabi sa akin ng kaibigan ko na crush ako ni River. Siguro kung 'di dahil doon, hindi ako maglalakas-loob na lumapit sa kaniya at makipag-interact. Isa rin yung biglaang pag-amin ko sa kaniya. Siguro kung 'di nangyari 'yon, baka FO na ang kinatapusan namin kasi patuloy ko siyang iiwasan nang hindi niya alam kung bakit.

Ngayon, limang taon na kaming mag-on at isang taon nang kasal. Sinagot ko siya nung 4th year college ako kasi alam ko sa sarili kong hindi ako nalilihis sa pangarap ko kahit and'yan siya. Then, career first. Nag-ipon muna kami para sa sarili namin hanggang sa ayun na, niyaya niya na akong magpakasal. Syempre, tinanggap ko. Sa tingin ko rin kasi siya na ang right one para sa akin.

Habang nasa relasyon kami, hindi ko maiwasang magkaroon ng maraming tanong.

Paano kung hindi ako sapat?

Paano kung magsawa siya sa akin?

Paano kung makahanap siya ng mas maganda at mas maayos na babae?

Iwinaksi ko sa isip ko ang mga 'yon nang malaman ko ang halaga ko. Sa halip na problemahin ang mga 'yon, tinanggap ko na lang ang flaws at physical defects ko. At kapag may maaayos o ma-i-improve ako sa sarili ko, ginagawa ko.

Kung walang tumanggap sa akin bilang ako, ayos lang dahil mahal ko ang sarili ko. 'Yon ang pinakamahalaga sa lahat. Bonus na lang at blessing dahil natanggap niya rin ako bilang ako. Look at me now, medyo naging chubby na ulit. Sabi nila tumataba raw ang babae kapag hiyang sa asawa. I guess they're right. Haha. This time, hindi ko na gaanong pinagtutuunan ng pansin ang timbang ang itsura, which is nakakagaan sa pakiramdam. Wala rin naman siyang pakialam sa itsura ko kaya mas masaya.

The best thing about our relationship? He still thinks that I'm the right one for him. And the "best-est" thing is he believes that I am a God-given gift to him. Of course, I am thinking of the same thing. He's one of the best gift I received from Him.

So, happy ending nga ba?

The answer is no. Dahil 'yon tuloy ang buhay. Masasabi kong happy life or blessed life ang meron ako at hindi happy ending. We went through a lot bago maging kami at bago kami nagpakasal pero hindi kami naghiwalay. Siguro hindi sa lahat ng oras ay mahal niya ako pero pinipili niya akong mahalin at ilaban. Kapag nagkakalabuan kami, bumabalik kami sa umpisa at sa rason kung ba't namin ipinaglaban ang isa't isa noon.

Anong mensahe ko para sa mga taong natatakot pumasok sa isang relasyon? Alam kong gamit na gamit na ang linyang 'to pero ang masasabi ko lang, minsan hindi mo talaga malalamang ready ka na kung di susubukan. Normal lang na magka-ups and downs basta ang mahalaga, hindi kayo maghihilahan pababa at sabay kayong aangat.

Hindi ko kayo hinihikayat na mag-jowa habang nag-aaral pa. Ang sinasabi ko lang, kung kayang pagsabayin o basta hindi sagabal sa pangarap mo ang pag-ibig, pwede naman. At hangga't maaari, kung papasok ka sa isang relasyon, dapat pareho na kayong mature at parehong na-i-imagine ang future nang magkasama para hindi maging laro ang lahat. But yep, depende pa rin sa inyo. Kasi minsan o madalas hindi talaga nagkakatuluyan ang first boyfriend or girlfriend at nagsisilbi lang silang aral.

And you know what, if this is a fairytale, I think the villain in the story was me. I hated myself for who I am before. And I think that's the worst. Ikaw dapat ang unang taong tatanggap sa sarili mo bago ka tanggapin ng ibang tao.

So, that's it. Thank you everyone for giving me a chance to share my story with you. It might be boring for you but it means a lot to me. Doon ko kasi napatunayang hindi imposibleng magkaroon ng fairy tale-like story sa taong kagaya ko.
Yun lang po at maraming salamat sa pakikinig! Eloisa Ann G. Mojico, signing off.

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon