132

3 0 0
                                    

NOV 09

Gemini Gemino♊

Wed 16:11

Louise 👧

Sino yung lalaking kasama mo kanina @Eloisa pamilyar mukha niya

Lorence 👦

anong pangalan louise

Louise 👧

Tinatanong ko nga diba. syempre di ko alam

@Eloisa sino ba yun? Alam ko mukha pero di ko talaga tanda kung sino

Eloisa 👶

Si river

Louise 👧

Siya yon??

River? Yung crush mo?

Lorence 👦

kaklase lang nia yun noon

Louise 👧

Oy crush kaya yon ni eloisa bukod sa klasmeyt. Sinabi niya saken dati nyahahahaha

Eloisa 👶

Lahhh daldal mo talaga ate. Crush daw ampp

Louise 👧

Yaan mo tayo tayo lang naman hahahaha

Bakit di mo ba crush yon?

Ah oo sabi mo gusto mo siya. Magkaiba nga pala yon hshahaaha

Eloisa 👶

Luhhh

Lorence 👦

ang babata nio pa para sa ganyan. intayin niong makagraduate kayo bago kayo magganyan

Louise 👧

Grabe ka naman makabata kuya. Pang elementary pa nga yung term na crush e college na kami. Soon to work na nga ako

At di naman porque crush e soon to be jowa na. Si eloisa lang yun HAHAHAHA

Eloisa 👶

di kayaaa. Nagbago na ho ako. Di na ako susuway sa utos nina mama hehez

Louise 👧

Kung hindi, bat mo siya kasama aber?

Eloisa 👶

Nag aya siya kanina e. Doon pa rin pala siya nag aaral

Louise 👧

Edi kapag nagyaya siyang maghotel sasama ka?

Eloisa 👶

Luh syempre depende sa sitwasyon. Marunong naman akong mag isip

Nag aya lang siyang kumain kanina kaya sumama ako. Vacant ko pa naman non

Louise 👧

Ano status niyo?

Eloisa 👶

Friends malamang

Di pa nga gaano

Louise 👧

Jojowain o totropahin?

Eloisa 👶

Ano ba naman yang mga tanong mo ate kainis

Louise 👧

Hahahahaha ikaw kasi ang lonely ko kanina tas makikita kitang may kasamang boylet. Lalo ko tuloy naramdamang mag isa ako edi wowww

Eloisa 👶

Asan mga kaibigan mo? Akala ko may reunion ulit kayo ngayong araw?

Louise 👧

Wala di natuloy

Eloisa 👶

Weh? Di ba last week pa yong plano

Last month pa nga yata eh. Bat di natuloy?

Louise 👧

Actually natuloy pero di ako pumunta

Eloisa 👶

Bakit?

Louise 👧

Ayoko nga. Makikipagplastikan lang ako sa mga yon asjahsajsha

Eloisa 👶

???

Louise 👧

Teen thingzz

Eloisa 👶

Teen din naman ako pero di kita gets. 19 na nga ako, young adult na

Louise 👧

Ako rin naman young adult na pala hahahaha. What i mean is kapag tumanda ka pa ng onti maiintindihan mo rin

Eloisa 👶

Anyare ba kasi?

Louise 👧

Basta lesson learned is life is not all about rainbows

Eloisa 👶

Alam ko na yan

Louise 👧

Edi yun na yon. Wag mo na isipin, enjoy ka na lang sa lablayp mo hahahaha

Eloisa 👶

Life lang ate

Louise 👧

Wala kang love? Di mo kami lab?

Eloisa 👶

Nye alam ko naman tinutukoy mo

Louise 👧

Mwahahahaha

Eloisa 👶

Para kang ewan

Lorence 👦

umayos kayong dalawa. wag nio dagdagan sakit ng ulo nina mama. alam nio naman sitwasyon nila ngaun

at alam nio na din ang tama at mali

Louise 👧

Kung makasabi naman to parang troublemaker kami.

Wag kang mag alala kuya di na kami magpapadalos dalos. Di ba @Eloisa

Eloisa 👶

Yupp nagmature na ako lol

Yaan mo si ate nang aasar lang yan palibhasa walang mabingwit na pwede jowain hahahahaha djk

Louise 👧

🙂🙂🙂

I thought it was a Fairy Tale (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon