It's been 2 days simula nung huli kaming nagkaroon ng conversation. Ginawa ko ring busy yung sarili ko sa pag aaral since 1 month na lang yata ay graduation na. Sinisigurado ko na hindi maapektohan ang pag-aaral ko ng problema ko kay Kai. Ang huli naming pag uusap ay nung nag bar pa sila at hindi na ulit siya nag reply sakin wala man lang pasabe kung nakauwi na ba siya o hindi. Kahit nag aalala ako tiniis ko na hindi mag message kasi gusto kong pahalagahan yung sarili kong nararamdaman. At ang sakit lang na natitiis niya ako. Ngayon tapos na ako sa mga gawain ko kaya naiisip ko na naman siya, kanina lang kinamusta pa ako ni Ayomi sabi ko lang na okay ako and we had a little chitchat on the phone. Hindi din ako nakatiis at nag message ako sakaniya."Kai...."
"Kai, bakit dati kaya mong gawin yon?"
"Kayang kaya mo ako bigyan ng oras, you even messenge me from morning till the end of your day. Bakit ngayon parang ang layo mo na? Parang hindi na kita kilala." Hindi ko na napigilan sabihin yung sama ng loob ko sakaniya. Mas sumama pa ang loob ko at nasaktan ako sa reply niya.
" Samie ano ba? Para ilang araw ka lang nakalimutan nagkakaganiyan ka na. " Reply niya sakin. Hindi na lang ako nag reply. Kasi ang sakit na at ayaw ko na malamam kung anong mga salita pa na manggagaling sakaniya ang pwede ikasakit ko.
Ang sakit lang na nandito kami ngayon sa point na ito." Para ilang araw ka lang nakalimutan". That words from him laging nag re-replay yan amsa utak ko bago ako matulog.
Hindi ko siya kinakausap at tinitiis ko iyon kahit nag mag messenge sakaniya ay tinitiis ko rin na wag gawin, not because of my pride but because I'm hurt. Ang sakit lang na 4 days have pass pero wala padin siyang paramdam or even sorry.
So ngayong gabi naisip ko na yayain si Ayomi na mag bar kasi gusto ko munang takasan yung mga iniisip ko buti na lang pumayag siya. Ayaw ko nang buruhin ang sarili ko sa bahay.
Umalis na ako sa bahay ng mag 7:30 na at nag messege ako kay Ayomi na magkita na lang kami dun sa labas ng bar na napili namin.
Dumating ako doon at nakita ko agad si Ayomi na nasa labas na at hinihintay ako. Nilapitan ko agad siya at niyakap.
"Why? What's wrong?" Tanong sakin ni Ayomi at nagulat ako doon. Umiling ako at ngumiti sakaniya.
"Nothing, namiss lang kita hahahah. Tara na pumasok na tayo, let's party and enjoy the night! " Pumasok kami at bumungad saamin ang usual na scenario ng isang bar, the loud party music, the vibe, the dance floor and the smell of alcohol.
Magkatabi kami ni Ayomi habang naghahanap kami ng table pero wala kaming makita kaya doon na lang kami sa bar counter tumambay.
Sa pag lingon lingon ko may nahagip ang mata ko na kapapasok lang sa bar. Sobrang familiar sakin ng bulto niya and the moment i saw him i feel how i really miss him. For 1 week without communication with him i still considering him as my boyfriend kasi tampuhan lang naman yon baka kailangan lang namin ng space.
Pero nawala lahat ng iniisip ko ng biglang may yumakap sakaniya mula sa likod. Kinuha niya ang kamay ng babae at itinabi ito sakaniya bago ito inakbayan.
I froze, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakatitig lang ako sakanila narmdaman kong tinatapik ako ni Ayomi pero hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanila. Siguro sinundan ni Ayomi ang tinitignan ko at narinig ko ang reaksyon at gulat sa boses niya.
"Oh my goshh...."
Sa sandaling yon namumuo na ang luha sa mata ko at pinipigilan ko ito dahil ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak sa pag-ibig. Na hindi kailan man makikita ng kahit sino na miserable ako dahil sa pag-ibig....
YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...