Chapter 17

0 0 0
                                    


3 days after malaman ko na buntis ako pilit kong inaalagaan ang sarili ko para sa baby ko. Pero hindi ko parin  maiwasang umiyak. Naiisip ko kung paano ko mabibigyan ng magandang buhay ang anak ko. Ramdam na ramdam kong mag-isa lang ako, wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko.

Pinatatatag ko ang loob ko, pero hindi ko talaga mapigilang maiyak na lang tuwing gabi dahil doon bumubuhos ang lahat ng emosyong itinatago ko tuwing umaga.

Pumapasok padin ako sa school para mag ayos ng clearance at simula na rin ng preparation para sa graduation. Kahapon lang ay nagphoto shoot kami for graduation pictures at talagang napakahirap ngumiti pero naitawid ko naman. Unti unti na rin akong nasasanay na ipakitang maayos ako at wala akong problema kahit sa gabi lagi na lang doon bumubuhos ang emosyon ko.

"Anak pasensya na ha itinatago ka muna ni mommy, wag kang mag alala malapit na ang graduation ni mommy. Kaya natin to anak." Sambit ko sa isip ko.

Advice saakin ng OB ko na bumalik ako after 1 week para malaman kung may improvement si baby. Kaya ngayon nandito ulit ako sa clinic no Dra. Montalban.

" Good morning doc." Bati ko sa doctor.

" Good morning iha, so how's your pregnancy? Nahihirapan ka parin ba sa morning sickness?"

"Ahm okay naman po doc, medyo nasasanay na rin po ako."

" Now we need to conduct another ultrasound para makita ko kung may effect ba yung vitamins kay baby." Ayon nga at iginiya ako ni doktora sa hospital bed.

"Doc kamusta naman po?" Tanong ko kay doktora ng makita ko na medyo kumunot ang noo niya ng makita niya ang monitor.

" Iha, halos walang progress ang baby mo mahina parin siya. Have you been too emotional or too stress these past few days?" Nagaalalang tanong ng doctor, napaiwas lang ako ng tingin.

"Iha kailangan mong kontrolin yan dahil malaki ang epekto niyan sa baby mo." Pagpapayo saakin ng doctor.  At that moment na nakita ko ang pagaalala sa muhka ng doctor parang gusto ko siyang kausapin. So i did nag open ako sakaniya ng situation ko.

" Doc i always cry every night, ang dami dami kong iniisip. Hindi ko na po alam ang gagawin ko I'm such a disappointment." I almost broke down in front of her at patuloy naman siya sa pagpapakalma saakin.

"Iha don't get me wrong ha pero in your situation i think you need to seek professional help. Since hindi mo na mapigilan ang emotions mo especially you're pregnant. I advice you to go to a psychiatrist. Don't risk your health and your baby." Concerned na sabi sakin ni doktora.

Hirap na hirap na ako, pero pangako anak ilalaban ka ni mommy. Please baby hold on to mommy....

Her Destiny Where stories live. Discover now