Lumipas ang mga araw na kasama ko si mama. Iba talaga pag may nagaalalagang magulang at kasma mo sa tabi mo.
Kahit papaano gumagaan ang pakiramdam ko, dahil madalas akong naglalambing ng yakap kay mama. Nagtataka naman siya na bat daw parang ang lambing ko at tatanungin ako kung may gusto ba daw akong sabihin o pag-usapan, sasabihin ko lang na namiss ko lang talaga siya.
1 week na lang halos at graduation ko na and 2 days before dadating dito si papa. Sana makayanan ko pang itago ang balak ko sana ay pagkatapos na ng graduation ko saka ko sasabihin kila mama.
Though alam ko napapansin na ni mama ang medyo pagbabago sa katawan ko lalo na at 3 months na din ang baby ko. Nakikita din ni mama kung gano ako kalakas kumain dahil hindi ko na din mapigilan ang cravings ko. Sabi pa nga ni mama na dapat daw mas lalo ako maging conscious sa diet ko lalo na at malapit na ang graduation ko.
Kagabi lang ay naisipan kong kailangan ko na makipag meet kay Kai pero wala akong balak sabihin sakaniya yung about sa baby ko. Oo baby ko lang dahil hindi deserve ng baby ko ng isang ama na walang paninindigan at irresponsible.
I decided na bukas ko na siya kakausapin to officially end our relationship. Since it's been 1 month na rin ng huli ko siyang nakita and he doesn't even bother na magparamdam saakin. Bakit parang wala lang? Bakit ganon?
Gagawin ko to kailangan dahil advice na din sakin ng therapist ko na gawin ko ang sa tingin kong mapapalaya saakin. Dahil hanggang walang official na break up saamin ni Kai alam ko sa sarili ko na umaasa parin ako na baka isang araw bigla na lang sisyang kumatok sa pintuan at mag sorry saakin.
"Anak hold on huh, mommy loves you. Sorry kung hindi pa masabi ni mommy kay lola. Sorry kung hindi mapigilan ni mommy mastress. Sorry anak, gagawin ko ang sa tingin kong mabuti para saating dalawa. " Sambit ko ng tumutulo ang luha ko dahil wala na akong magawa kundi mag sorry ng mag sorry sa anak ko. Kinakausap ko parin ang baby ko kahit hindi ko sure kung maiintindihan o maririnig niya ba ako. Dahil siya na lang din ang karamay ko at alam kong lumalaban siya.
Bago ako matulog ng gabing iyon i decided to send a message to him.
"Can we meet tomorrow? In my favorite cafe 2 pm."
Hindi ako sigurado kung paano ko siya haharapin at kung anong maaaring mangyari sa paguusap namin pero kailangan ko nang gawin ito. Dahil baka maduwag na naman ako at hindi ko magawang tapusin....
YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...