I composed myself bago ako umuwi, alam kong namumugto ang mata ko at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay mama pero bahala na.
Nakauwi ako sa bahay at sinalubong ako ni mama. Napansin agad niya ang mata ko kaya umiwas na lang ako, pero nagulat ako nang bigla na lang akong yakapin ni mama.
Hindi ko na napigilan, naiyak na ako at humagulhol habang yakap yakap ako ni mama. Hindi naman nagsasalita si mama hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak.
Nang mahimasmasan ako nagsalita na si mama.
"Anak nanay mo ako, alam ko may pinagdadaanan ka na simula pa nung umuwi ako at naghihintay lang ako na magsabi ka. Nandito lang si mama anak, hihintayin ko kung kelan ka magiging handa na sabihin. Basta lagi mong tandaan nandito si mama, mahal na mahal kita anak." Tulo ng tulo ang luha ko habang nakatulala lang at nakikinig sa sinsabi ni mama.
Ang dami daming emosyon, natatakot ako, nasasaktan, ang daming what ifs, iniisip ko kung tama ba yung naging desisyon ko sa relasyon namin ni Kai at kung tama ba na hindi sabihin sakaniya ang sitwasyon ko. Iniisip ko din kung anong magiging reaksyon ni mama pag nalaman niya. Yayakapin padin kaya niya ako? Nanjan padin kaya siya para sakin?
Tahimik lang akong pumasok sa kwarto ko matapos kong yumakap ulit ng mahigpit kay mama.
Pagpasok ko sa kwarto ko napasandal na lang ako sa pinto at napaupo sa panlalambot. Nag sink in saakin na ito na to, nandito na ako at mag-isa lang ako na kailangan kong kayanin lahat. Kailangan okay lang ako.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising lang ako ng madaling araw dahil sa pananakit ng tiyan ko.
Medyo nag papanic ako at hindi ko alam nag gagawin ko. Kinausap ko na lang ang baby ko.
"Anak sorry stress na naman si mommy. Anak tatagan mo lang, sorry kung mahina si mommy. Please anak lumaban ka, ikaw na lang ang dahilan kung bakit nandito parin si mommy. Sorry, sorry talaga." Pagkausap ko da baby ko habang hinahaplos ko ang tiyan ko.
Maya maya rin lang ay unti unti nang nawala ang sakit. Nakahinga ako ng maluwag.
" Thank God, wag nyo po sana kaming pabayaan ng anak ko." Taimtim kong panalangin at pasasalamat sa Diyos.
YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...