Today is the day, nagpaalam lang ako kay mama na lalabas ako sandali after namin mag lunch.
Nagsuot lang ako ng simpleng dress at nag apply ng light make up para ipakita sa kaniya na hindi ako apektado at matatag ako. Nag light make up ako kasi maputla na din ang kulay ko. Nang makita ko sa salamin na handa naman na ako ay umalis na ako.
Sumakay ako ng taxi papunta kung saan kami nag memeet. Malapit lang din naman yon kaya nakarating din ako kaagad.
Pagkapasok ko sa cafe namataan ko agad ang paliyar na bulto doon sa sulok at hindi masyadong matao. I didn't expect na mauuna pa siya dito.
Habang palapit ng palapit ako sa table unti unti ring bumabalik saakin lahat ng memories namin na magkasama. Yung pakiramdaman na miss na miss ko siya, gusto kong makalapit agad sakaniya at yakapin siya ng sobrang higpit. But i composed myself hindi ko pwedeng unahin lahat ng nararamdaman at emosyon ko.
"Hi." Napatingin siya sakin at nang makita ko ang mukha niya after 1 month napangungulila at pagiisip sakaniya. Bumubuhos lahat ng sari saring emosyon ko at naluluha na ako.
"Hi." Bati niya rin na para bang yung dati parin kami at walang nangyari. Pano niya nagagawa yon? Ang sakit makita na ang ayos ayos niya at nabubuhay siya ng normal lang habang ako hindi ko sigurado kung hanggang saan ko kakayanin.
"Ahm, let's order first?" Sabi ko habang umuupo.
"Yeah, sure. Ako na oorder, your favorite iced coffee right?" Tanong niya pero umiling ako dahil bawal na saakin ang coffee.
"Ahm, nope. Just a water and a slice of strawberry cake." Tumingin siya saakin na parang ang weird ko. Sabagay alam niya naman kasi na hindi ako nakain ng strawberry flavoured food and i really love coffee. Kaya siguro naninibago siya. Pero ang weird nga dahil ayun ang craving ko.
Tumayo na siya para pumunta sa counter at naiwan ako. Pilit ko naman pinapakalma ang sarili ko and i do breathing exercise na itinuro saakin ng therapist ko.
Maya maya ay bumalik na din siya dala ang inorder niya.
"Are you sure you want strawberry?" Parang nalilito at nawiwirduhan parin niyang tanong saakin, tumango naman ako at ngumiti ng bahagya.
"Yup. Bakit may problema ba?"
"Ahm wala naman, hindi lang kasi ako sanay na kumakain ka ng strawberry flavoured food. It's weird because you hate it before."
"People change." Sabi ko na lang pero gusto ko talagang sabihin na "anak mo may gusto niyan" pero pinigil ko dahil ayaw ko na ulit magrisk ng another heartbreak pag hindi naging maganda ang reaksyon niya.
Natatakot ako na baka hindi niya matanggap ang anak namin. Na baka pagdudahan niya, na baka marinig ko mismo sakaniya na hindi niya kami matatanggap. Hindi ko nakakayanin iniisip ko pa lang kaya akin na lang to sasarilihin ko na lang, kakayanin ko kahit mag isa para sa anak ko....
YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...