Chapter 21

0 0 0
                                    

Kumain lang kami ng walang imikan. Maya maya nagsalita siya.

"So, how are you?" Casual na pangungumusta niya saakin.

" Stop it. Stop acting like nothing happened. You don't have the rights to ask me that question. In fact, basically i am still your girlfriend but you didn't bother to messeng me or look for me in 1 month." Hindi na kinaya ng emosyon ko at bumuhos na ito, siguro dahil na rin sa hormones ko. Pero hindi ko na din talaga yung pagiging casual niya na parang wala siyang kasalanan.

" I'm sorry...." Sabi niya pero hindi ko matanggap kasi grabe ang pinagdadaanan namin ng anak niya ngayon.

" Stop right there Kai, i need fresh air and open space. Pwede bang pumunta tayo kung saan tayo lagi pumupunta, where i feel at peace." Tumango siya saakin at tila naiintindihan niya naman yung tinutukoy ko.

"Sure, let's go." Sagot niya, buti  naman at pumayag siya. Parang aatakihin kasi ako at nasosuffocate ako sa cafe na yon. Unti unti akong inaatake ng anxiety kaya pasimple akong nag breathing exercise.

Tumayo na kami at lumabas na ng cafe. Sa palabas namin nakita ko ang sasakyan niya na hindi ko napansin kanina. This car, ito yung sasakyan na laging sumusundo saakin dati. Jaan lagi ako nakaupo sa passenger seat habang hawak niya ang kamay ko at nag dadrive siya.

I miss the feeling of being cared and protected by him. Kung dati pinagbubuksan niya ako ng pinto at inaalalayan pasakay, ngayon kusa ko na lang ginawa para sa sarili ko.

Sa pag upo ko sa passenger seat naisip ko kung ilang babae ba ang naisakay niya dito at pumalit saakin sa loob ng isang buwan, isang buwan na hindi niya ako naaalala habang ako pilit nalumalaban sa isang buwan na yon para samin ng anak niya...ng anak ko.

Ito na siguro ang huling beses na mauupo ako dito bilang babae sa buhay niya.

Pinaandar niya ang sasakyan at nilalamon kami ng katahimikan. Ako naman ay pasulyap sulyap sakaniya dahil ito rin ang huling bases na makakasama at makakatabi ko siya ng ganito kalapit dahil alam ko na may papalit din saakin dito sa kinauupuan ko. Basta hindi ko makakalimutang minsan sa buhay ko naranasan kong alagaan at pahalagahan ng isang Kaizen Alexandro Bautista Montebello.

Dinama at pinahalagahan ko lang ang sandaling iyon habang inaalala lahat ng masasayang ala-ala naming dalawa....

Her Destiny Where stories live. Discover now