Chapter 29

0 0 0
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto.

Puting kwarto ito na maraming paruparo, maaliwalas ang paligid at napakatahimik.

Lumibot ako at may nakita akong bata na malabo sa paningin ko ang muhka niya pero malinaw saakin na kumakaway siya at pinapalapit ako sa may pinto.

Nang hahakbang na ako papunta sa pinto narinig kong may tumawag ng pangalan ko pero sa pakiramdam ko gusto kong sumama doon sa bata at yakapin siya.

Kaya tumingin ulit ako doon sa bata para sana lapitan na siya pero parang unti unti na siyang lumalayo sa paningin ko. Gusto kong habulin yung bata at habang palayo siya ng palayo saakin nararamdaman ko rin na namamasa na ang pisngi ko hanggang sa naririnig ko na ang sarili kong iyak.

Hindi ko alam kung bat ako umiiyak hanggang sa naramdaman ko na lang na para akong hinatak.

Doon tuluyan akong nagising ng basang basa ang mukha dahil sa luha. Nananaginip pala ako, nagising ako na tinatawag ni mama ang pangalan ko at niyuyugyog ako dahil nananaginip ako at umiiyak.

Napansin kong nasa hospital bed ako at unang pumasok sa isip ko ay ang anak ko.

"Ma, ang anak ko? Kamusta siya? Okay lang ba siya?" Sunod sunod na tanong ko kay mama.

Hindi umiimik si mama bagkus ay tumingin siya kay papa na parang humihingi ng tulong.

Walang nagsasalita, tahimik lang sila at pakiramdam ko mababaliw ako pag tumagal pa yon.

" Ma! Pa! Ano ba, alam kong galit kayo sakin pero sagutin nyo naman ako. Kamusta yung anak ko!?" Pasigaw ko nang sabi habang naiiyak na ako sa frustration na nararamdaman ko.

"Sorry anak....." Maya maya'y sabi ni mama.

"Anong sorry ma!? Bakit ka nagsorry sakin? Ang tanong ko kamusta ang anak ko? Okay lang ba siya? Sagutin niyo ako!" Medyo hysterical nang sabi ko.

" Anak wala na siya eh.....nakunan ka anak..."

"Anong sinasabi mo ma? Hindi totoo yan!" Nagwawala ko na talagang sabi at sumisigaw.

"Hindi! Hindi totoo yan! Hindi pwede, siya na lang ang meron ako. Hindi ko kaya, siya na lang ang dahil kung bakit ko kinakaya. Kaya hindi pwede ma! Magsabi naman kayo ng totoo. Parang awa niyo na, alam kong galit at masama ang loob niyo sakin pero wag ganito, please." Nag hysterical na talaga ako habang nagmamakaawa sakanila na bawiin nila yung sinabi nila.

Nagwawala na ako kaya napilitan ni mama na magpatawag ng nurse para turukan ako ng pampakalma.

" Sorry anak mahina si mommy..." Paghingi ko ng tawad sa anak ko  bago ako makatulog dahil sa itinurok sakin.



Her Destiny Where stories live. Discover now