Chapter 22

0 0 0
                                    

Nakatulog pala ako at nagising na lang ako nakahinto na ang sasakyan. Naabutan ko si Kai na nakatitig saakin.

"Ahm, sorry nakatulog ako." Ganito yata talaga pag buntis napaka antukin.

"No, it's fine. I noticed na kulang ka sa tulog at pahinga kaya hinayaan lang kitang matulog." Kita ko ang concern sa mata niya pero hindi ko pinansin ayaw kong madala na naman sa mga ipinapakita niya sakin.

"No, i'm fine." Sabi ko at lumabas na ng sasakayan.

Sumandal ako sa hood ng sasakyan niya at tinanaw ang tanawin na lagi namin tinitignan noon. Ang tanawing saksi sa mga kulitan, kasiyahan, mga masasayang ala-alaa namin, at higit sa lahat ang tanawing saksi sa lahat ng pangarap na binuo naming magkasama. Pangarap na sana'y tutuparin namin magkasama, ngunit ngayon ang tanawin na ito rin ang magiging saksi ng pagtatapos at pamamaalam.

"Now, let me start from asking....bakit Kai? Bakit bigla ka na lang naging ganon Kai?"

"Hindi ko din alam, hindi ko alam. Siguro hindi pa ako handa." Hindi ko matanggap yung sagot niya.

"Eh bakit mo ako niligawan? Bakit pinaasa mo ako na may future tayong pwedeng malook forward?Bakit naman ganon Kai? Sana sinabi mo agad."

"Sorry....sorry."

"Huh? Sorry? Parang ginawa mo akong trial and error. Ipinakita mo saakin na seryoso ka. Tapos ngayon sasabihin mo sakin na hindi ka pa handa."

"Sorry hindi pa pala ako handa, hindi pa ako handang nag commit. Madami pa akong gustong gawin."

"Oo nga Kai madami ka pang gustong gawin tulad ng makapambabae ng malaya at walang iniisip na girlfriend." Napatingin siya sakin na bakas ang gulat sa mukha niya. Mukhang hindi niya alam na alam ko na ang nga katarantaduhan niya.

"Oo Kai, alam ko at nakita ng sarili kong mga mata kung paano mo ienjoy yung buhay mo. Habang sinisira mo naman ang buhay ko at dinudurog ako sa sakit dahil sa mga ginagawa mo. Kai kaya naman kitang suportahan sa lahat ng gusto mo, hindi naman kita pagbabawalang maenjoy pa ang buhay mo hindi rin kita paghihipitan. Pero dahil ibang pageenjoy pala ang gusto mo sige na pinapalaya na kita."

"Sorry Samie."

"Itigil mo na ang pag hingi ng tawad Kai dahil ang paghingi ng tawad ay para sa mga kasalanang hindi sinadya. Ang sakit sakit lang talaga dahil mahal na mahal kita eh at hindi mo alam ang naging epekto ng pagpasok mo sa buhay ko. Iniwan mo ako sa ere Kai." Panunumbat ko na sakaniya dahil bumubuhos na rin ang emosyon ko na dinala ko ng 1 buwan.

Hindi ito ang plano kong paguusap gusto ko lang talagang tapusin na at ipakitang matatag ako pero naunahan na ako ng mga emosyon ko.Hindi ko na kilala ang sarili ko dahil ang hinahina ko sa harap niya kahit gusto kong ipkaita na matatag ako at kaya ko to pero ang lambot ko pagdating sakaniya. Pero kailangan kong kayanin, para sa anak ko....

Her Destiny Where stories live. Discover now