Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay after that check up.
Wala akong makausap hindi ko alam kung sinong kakausapin ko. Gusto kong sabihin kaya Mama kaso ayaw kong madisappoint siya sakin. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko agad napansin na kanina pa pala tumutunog ang cellphone ko. Tumatawag si mama, huminga muna ako ng malalalim at inayos ang sarili ko bago ko sinagot ang tawag."Hello ma!" Pilit kong pinasigla ang boses ko.
"Hello anak kamusta ka na? Bakit parang ang lalim na ng mga mata mo?"
"Wala ma babawi lang ako ng tulog alam mo naman katatapos ng ng finals. Ikaw ma, kamusta ka jan?" Pagsisinungaling ko kay mama. Pero sa totoo gusto ko nang umiyak kay mama, gusto ko nang ilabas lahat ng nararamdaman ko.
"Okay ako dito anak, by the way anak anong gusto mong pasalubong pag-uwi ko? Malapit na akong umuwi since less than a month na lang at graduation mo na. Excited na akong mayakap ka anak." Masiglang sabi ni mama. Naisip ko kung malaman kaya ni mama magiging ganyan padin kaya siya kasaya?
" Ma kailan ang flight mo? Para masundo kita sa Airport. "
" March 15 anak, siguro mga 2 pm ang lapag ng eroplano jaan sa Manila. Nga pala anak ang papa mo....nag messege ka ba sakaniya? Gusto mo bang pumunta siya sa graduation mo?"
"Ikaw ma, okay lang ba sayo?" Balik na tanong ko sakaniya.
"Oo naman anak, para saiyo kinalimutan ko na lahat. Alam ko rin naman na namimiss mo na siya. Sige na, mag messege ka sakaniya."
"Opo ma, thank you mama. I miss you you and I love you. Ingat ka jan ma."
"Sige anak, I love you too. I miss you so much anak, see you soon." Pagbaba ko ng cellphone bigla na lang akong napahagulhol ng iyak. Hindi ko na alam kung dahil ba saan. Basta umiyak na lang ako ng umiyak.
Pagkatapos siguro ng mahigit isang oras na pag iyak ko, nahimasmasan ako at naisip ko na hindi ako pwedeng maging ganito. Kailangan kong maging okay, kailangan ako ng anak ko.
Kumain ako, nag order ako ng mga pagkain na gusto kong kainin at ininom ko na rin yung binigay na vitamins ng doctor.
Kailangan kong kayanin to, gusto kong maging ina sa anak ko.....
YOU ARE READING
Her Destiny
RomanceDescription : She is a girl who wants to protect herself from pain. Inakala na niya na magagawa niyang protektahan ang sarili niya, iniiwas niya ang sarili niya sa laro ng pag-ibig at pagtitiwala dahil ito ang alam niyang dudurog sakaniya ng tul...