Chapter 18

0 0 0
                                    

Sinunod ko ang advice ni Dra.Montalban at pumunta ako sa nirecommend niyang clinic saakin. Gusto kong kahit paano alam ko kung pano ko mao-over come ang emotions ko lalo na at padating na si mama bukas. Ayaw kong mahalata ni mama na may pinagdadaanan ako.

Even Ayomi hindi niya parin alam kung gaano na kabigat ang problema ko. Kahit madalas parin kami magkasama hindi naman siya nagtatanong, though lagi niya lang tinatanong kung okay ako pero hindi niya parin alam kung gaano na talaga kahirap ang sitwasyon ko.

Galing ako sa clinic na nirecommend ni Dra. Montalban. The doctor found out that i have a PTSD and Melancholia means the severe form of depression. Nagulat ako na meron na pala ako noon kala ko normal pa yung nararamdaman ko dahil galing ako sa heartbreak.

Pero since buntis ako hindi ako pwedeng uminom ng madaming medication kaya sobrang careful ng doctor na magbigay saakin ng gamot para sa condition ko. Binigyan na lang ako ng tips kung paano ko maiiwasan at makokontrol yung mental health problems ko.

Medyo maselan padin ang pagbubuntis ko kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko para sa baby ko.

Kinabukasan sinundo ko si mama sa airport. Kabado ako habang naghihintay ako sa exit. Natatakot ako na baka mahalata ni mama tough hindi pa malaki ang tiyan ko alam kong napaka observant ni mama at napaparanoid ako sa mga naiisip ko.

"Anak, sobrang namiss talaga kita." Sabi saakin ni mama habang yakap namin ang isa't. Niyakap niya agad ako nang magkita kami sa airport at nang mayakap ko siya sinubukan kong pigilan ang pagbuhos ng emosyon ko pero iba talaga ang yakap ng ina. Nang mayakap ako ni mama parang gusto ko nalang mag sumbong na parang bata, gusto kong sabihin sakaniya lahat lahat.

" Ma ang dalaga mo pagod na pagod na, ma hirap na ako. Sorry ma i'm such a failure, a disappointment." Sambit ko sa isip ko habang yakap ko parin si mama at tumutulo ang luha ko dahil hindi ko na talaga mapigilan.

Humiwalay si mama sa yakap at iniharap ako sakaniya.

" Ang laki mo na anak at ang ganda ganda mo." Sabi ni mama habang pinagmamasadan ako.

" Anak bat ganyan naman ang mata mo, may problema ka ba?" Tanong ni mama na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Wala ma namiss lang talaga kita, tara na nga at doon na tayo sa bahay magdramahan hahaha. Ipagluto mo ako mama huh. " Paglilihis ko sa atensyon ni mama.

"Syempre naman anak namiss ko kaya na ipagluto ang nagiisa kong anak." Sabi ni mama na ikinasigla ko kahit papaano.

Hinihiling ko na lang na magkalakas ako ng loob na sabihin kay mama. Kasi ang bigat bigat na rin talaga sa dibdib na dalhin lahat ng problema ko na mag isa lang at walang mapagsabihan.....

Her Destiny Where stories live. Discover now