Chapter 12

0 0 0
                                    


That night i didn't confront him, hindi ako lumapit at hindi ko siya kinausap. Hindi na din kami nakainom ni Ayomi pero daig ko pang lasing nang alalayan ako ni Ayomi palabas ng bar dahil nanlalambot ako at parang nakalutang lang ako na ng lalakad.

Umuwi ako sa bahay kasama si Ayomi at tulad ng pangako ko sa sarili ko hindi nga tumulo ang luha ko hanggang hindi nakakaalis si Ayomi. Kahit nag insist si Ayomi na sasamahan niya ako i refused at sinabi ko sakaniya na okay lang ako at magiging okay lang ako.

Pero paglabas na pagalabas ni Ayomi ng pinto nag unahan na agad tumulo ang mga luha ko.Nakatulog na ako kakaiyak.

Nagising na lang ako na natunog ang cellphone ko kasi tumatawag si Ayomi para ichek kung okay lang ba daw ako. Sabi ko naman sakaniya wag na siya mag alala sakin dahil okay ako. What a great pretender Samie!

Ayan ba ang sinasabi mong okay? Nakatulog kakaiyak? Gumising ng mabigat ang pakiramdam? But i believe na normal lang to lalo na at first heart break ko ito.

Maya maya ang sama na talaga ng pakiramdam ko at feeling ko bumabaliktad ang sikmura ko kaya pumunta agad ako sa cr at doon ako nasuka. Inisip ko tuloy kung may nakain ba ako, hindi naman ako uminom kagabi para magkaroon ako ng hangover. Ganito ba talaga ang first heart break malala pa sa hangover?

Kumain ako kasi baka nalipasan lang ako ng gutom kaya masama ang pakiramdam ko since nahihilo din ako.

Dami kong cravings nag stress eating yata ako dahil ayaw kong mag-isip ng mag-isip. Buti na lang Sunday pwedeng pwede ako mag mukmok at kumain lang maghapon.

Pero pag nababakante ang oras ko at wala akong magawa gustuhin ko mang matulog hindi ko magawa, biglang bumabalik lahat sa isipan ko, lahat lahat. Nararamdaman ko yung literal na sakit at pagsikip ng dibdib ko, lalo na hindi parin siya nagpaparamdam ngayon. Parang nakalimutan na niya ako, nasasanay na yata siyang wala ako. Ang gulo ng sitwasyon, ganon ganon na lang ba talaga yon? Dapat pala nag salita na ako at hindi ko na pinaabot ng almost 1 and a half months na ganon siya. Hindi ko naman alam na yung pag-unawa ko sa kaniya at pagbibigay ko ng freedom sakaniya ay magiging way para masanay siya na wala ako at umastang parang walang girlfriend.

Ang hirap pala kimkimin lahat at ipakitang matatag at matapang. Hindi ako nagsasabi kahit kanino kasi gusto kong patunayan sa sarili ko na matutupad ko yung pangako ko na hindi ako basta mapapabagask ng sakit na dahil sa pag-ibig.

Parang mababaliw ako kakaisip. Pero balak ko na siya kausapin papalipasin ko lang muna yung nararamdaman kong bigat. Ayaw kong makita niya akong ganito, ayaw kong magmukhang talo kahit mahal na mahal ko na talaga siya.

Ganito pala talaga kasakit sumugal. Hindi talaga madadaya ang tadhana, akala ko tamang tao na yung sinugalan ko. Akala ko lang pala.....

Her Destiny Where stories live. Discover now